ABC PRESIDENT NILIKIDA

GENERAL SANTOS CITY- DEAD on the spot ang Association of Barangay Captains (ABC) President ng Glan Padidu, Glan Sarangani province nang tambangan ng riding-in-tandem sa Brgy. Lagao ng lalawigang ito.

Ayon sa General Santos Police Office , lulan ng kanyang motorsiklo  City Councilor Isidrito Cañete nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang gunmen .

Lumitaw sa pagsisiyasat na galing sa isang pagpupulong ang biktima at  kinumpirma ni Glan Mayor Vivien Yap na nakasama nito sa huling meeting ang nilikidang ABS president.

Ayon sa alkalde, ang biktima ay kasalukuyang Barangay Captain ng Glan Padidu at ex-officio member sa Sangguniang Bayan.

Inaalam pa ang motibo sa likod ng pamamaslang matapos na lumutang ang angulong may kaugnayan  sa droga dahil dati umanong kabilang ng biktima sa Inter-Agency Drug Information Database (IDID). VERLIN RUIZ

Comments are closed.