ABEL AT CAIN NINA DENNIS AT DINGDONG ITATAPAT SA PROBINSIYANO NI COCO

SIGURADO na maraming Kapuso stars ang maiinggit kay Sanya Lopez dahil siya ang napiling leadinghotshots lady ng dalawang big stars ng Kapuso,  ang Primetime King na si Dingdong Dantes at  Drama King na si Dennis Trillo.

Matapos ang kanyang super daring movie na Wild and Free na kung hindi kami nagkakamali ay hindi gaanong kumita sa takilya ay si Sanya pa rin ang napi­ling maging leading lady sa upcoming series ng GMA 7 na Abel at Cain.

Hindi lang makumpirma kung mapapasabak din si Sanya sa kissing scene kina Dingdong at Dennis. Pero ang sigurado ay ma-sayang-masaya si Sanya dahil halos lahat ng Kapuso female stars ng GMA ay  naghahangad makatambal sina Dong at Dennis pero siya ang nagwagi.

Bukod kay Sanya ay pasok din sa cast ng Abel at Cain si Solenn Heussaff na alam ng lahat ay very professional na actress. Kahit ano ay gagawin basta kailangan at ikagaganda ng kanilang show.

Marami ring Kapuso actors ang naghahangad na makasama si Solenn dahil wala nga itong arte pagdating sa halikan at kung kailangan ng daring love scene ay siguradong hindi tututol kapag kailangan sa istorya.

Anyway, ang Abel at Cain daw diumano ang makakapalit ng Victor Magtanggol na sabi ay magtatapos next year pa.

Kung walang magiging aberya ay sina Dingdong at Dennis ang itatapat ng GMA 7 sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin na na-panonood sa ABS-CBN na sabi ay hanggang next year pa magtatapos.

Ang Abel at Cain na kaya ang magtatagumpay na pabagsakin sa rating ang Probinsiyano ni Coco. Sinabi kasi ni Regine Ve-lasquez nang humarap sa press sa bakuran ng Kapamilya Network ay wala pa raw serye sa GMA 7 ang nakatalo sa rating ng serye ni Coco.

Ayon pa kay Regine, maging ang serye niya noong nasa GMA 7 pa siya ay natalo rin sa Probinsiyano ni Coco. Wala raw talagang tumalo sa rating ng serye ni Coco kahit na ano raw ang seryeng itapat ng Kapuso Network.

LUCY TORRES-GOMEZ KALAHATING TAONG ‘DI GUMAMIT NG SOCMED

LUCY TORRES-GOMEZHALOS kalahating taon pala umiwas sa paggamit ng kanyang social media account sa Instagram si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng 4th district ng Leyte.

Ipinaliwanag ng kanyang mister na si Ormoc Mayor Richard Gomez kung bakit kinailangang lubayan muna ng kanyang may-bahay ang pag-post sa Instagram.

Ayon kay Goma, “self imposed time away” daw ang ginawa ni Lucy kaya inabot na limang buwan na walang activity na maba-basa sa kanyang IG account.

Masyado raw kasi na­ging toxic para kay Lucy ang paligid niya kaya ginusto nitong magpahinga muna sa pag-post sa social media.

Nagbalik lang si Congresswoman Lucy sa pag-post ulit sa IG nitong Lunes at heto nga ang kanyang naging paliwanag:

“I needed some time away. I just felt there was so much noise and I wanted to take a step back.

“Maybe I was in that space where I pined for faded photographs of times past-where pictures happened because a moment was captured and not the other was around.

“There was a time photographs were snapped in a second, were candid, blurry even, and many times beautifully imperfect. But each was precious because each meant someone in the same room simply captured a random moment  without taking anything away from it.

“I guess I will never be that person who can post in real time. Perharps, I am the kind that will always choose to live in the mo-ment, to be fully present in it, and If I am fortunate to somehow have parts of that present frozen in photograph, then well and good.

“I did not know how long I wanted to be away. I certainly did not know it would take this long. But I have much to share—yes, lots of photos but lots of stories, too. So while I am thankful for that self-imposed time away from this page, I do feel a tug to come back gently, mindfully… and yet without design.”

Comments are closed.