ABERIN ITINALAGA BILANG BAGONG NCRPO CHIEF

NAGPATUPAD ng balasahan sa hanay ng mga senior officer sa Philippine National Police (PNP).

Itinalaga ni PNP Chief Gen Rommel Francisco Marbil si BGen Anthony Aberin bilang kapalit ni Maj Gen. Sidney Hernia sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa Special Order Number NHQ-SO-URA10226 na may lagda ni BGen Constancio Chinayog Jr., The Acting Director for  Personnel and Records Management, inalis bilang acting director ng NCRPO si Hernia.

Ang bagong assignment ni Hernia na epektibo nitong Sabado, Nobyembre 23 ay sa Area Police Command Southern Luzon.

Nakasaad din sa special order ang pag-alis kay Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga na itinalaga sa APC – Northern Luzon.

EUNICE CELARIO