TURNOVER ceremony sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa bagong talagang Regional Director na si BGen. Anthony Aberin na pinangunahan ni Acting Deputy Chief PNP for Operations Lt.Gen. Michael John Dubria na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.
PORMAL nang itinalaga si PBrig. Gen. Anthony Aberin bilang regional director ng National Capital Region Office (NCRPO) kapalit ni Maj. Gen. Sidney Hernia matapos ang isinagawang turn over ceremony sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon.
Ito’y batay sa inilabas na order ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil kasabay ng pagtatalaga naman kay Hernia bilang commander of the Area Police Command (APC) – Southern Luzon.
Si Aberin ay dating director ng Police Regional Office (PRO)-Central Visayas.
Matatandaan na noong nakalipas na buwan Oktubre 9 itinataga si Hernia bilang regional director ng NCRPO, subalit nitong November 7 ay pansamantalang inalis sa puwesto dahilan umano sa kinasangkutan nitong kontrobersya sa isang raid sa umano’y scam hub sa Maynila.
Maging ang hepe ng Anti-Cybercrime Group na si Maj. General Ronnie Francis Cariaga ay inalis din sa kanyang puwesto.
Si Hernia ay itinatalaga sa APC-Southern Luzon kapalit ng nagretirong si MGen. Jonnel Estomo samantalang si Cariaga ay inilipat naman sa APC-Northern Luzon kapalit naman ni BGen. Arnold Ardiente.
EVELYN GARCIA