ABERYA SA 2022 POLLS ‘DI  NA MAUULIT – COMELEC

TINIYAK ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na hindi na nila hahayaang mangyari ang kahalintulad na isyu na nangyari ngayong Halalan 2022 sa susunod na 2025 midterm polls.

Ito’y matapos ang kinaharap na mga aberya kung saan nagkaroon ng mahabang pila sa mga polling precincts at ilang Vote Counting Machine (VCMs) ang pumalya.

Dagdag pa ni Garcia na hindi na muling mara­ranasan ang mga aber­yang naranasan ngayong sa eleksyon sa mga susunod pang eleksyon.

Una nang sinabi ni Garcia na nasa mahigit 1, 800 VCMs ang pumalya ngayong May 9 polls.

Samantala, sinalubong ng protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ang tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila.

Ipinoprotesta ng mga ito ang pagbabalik ng mga Marcos.

Hindi pa man ipinoproklama, malaki na ang naging lamang ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.sa partial at initial count ng Comelec.

Maliban dito, nagprotesta rin ang mga militante laban sa umano’y mga iregularidad ng poll body.