ABISO MUNA BAGO GRANULAR LOCKDOWN

IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government units (LGUs) ang pagbibigay ng sapat na abiso sa mga lugar na ilalagay sa granular lockdown pati na rin ang pagpapatupad ng bagong alert level system upang mapaghandaan ito ng mga apektadong indibidwal o mga negosyo.

“I am in favor of granular lockdown as long as the public is informed in advance para makapagplano sila. Like for example, kung bababa tayo to alert level 3, ‘yung capacity ng restaurants at 50% al fresco obviously kailangan mo ng mas maraming waiter. Papapasukin mo yung mga waiters mo. Hindi puwedeng surprise announcement ‘yan kasi kawawa ‘yung mga negosyo and this alert level is really meant for economic activity,” ani Gatchalian.

Sang-ayon ang Senate Economic Affairs Vice Chairperson sa prinsipyong isinusulong sa mga bagong patakaran na naglalayong unti-unting buksan ang ekonomiya habang pinangangasiwaan ang kasalukuyang krisis sa kalusugan.

“This is really a balancing act. Kahit mataas ‘yung COVID-19 cases, nakakapagtrabaho na ‘yung mga kababayan natin. Now the areas that should be open or not are pinpointed. But the public needs to be informed in advance because how can you plan? It has to be broadcast ahead of time so that ‘yung mga negosyo, puwede silang magplano,” paliwanag ni Gatchalian.

Sa panuntunang inilabas ng IATF noong Setyembre 13 para sa paunang implementasyon ng alert levels system sa National Capital Region (NCR), iniatang sa mga city at municipal mayors ang pagpapatupad ng granular lockdown kung kinakailangan sa kanilang mga nasasakupang lugar sa loob ng 14 na araw o mas mababa pa.

Ang pagdedeklara ng pansamantalang granular lockdown ng mga lokal na opisyal ay dapat ipatupad kaagad at ipagbigay alam sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) na inatasan na aksiyunan ang ganitong kinakailangang hakbang, batay sa nasabing kautusan ng IATF.

Sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing na pinapaubaya nila sa mga LGU kung agaran ang pagpapatupad ng lockdown o magbibigay ng abiso na 12 oras bago ipatupad ang paghihigpit sa kanilang mga nasasakupan.  VICKY CERVALES

7 thoughts on “ABISO MUNA BAGO GRANULAR LOCKDOWN”

  1. 964230 935488An intriguing discussion will likely be worth comment. Im certain which you require to write far more about this topic, it may not be a taboo topic but usually consumers are too couple of to chat on such topics. To one more. Cheers 521925

Comments are closed.