NAIPAGPATULOY ng Alab Pilipinas ang perfect run nito sa home makaraan ang 88-76 pagdurog sa Hong Kong Eastern sa 2019 Asean Basketball League noong Linggo ng gabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.
Muling nagningning sina Puerto Rican reinforcements Renaldo Balkman at PJ Ramos, habang nagbigay ng sapat na suporta ang locals para sa Alab, na umangat ang home record sa 9-0.
Tumipa si Balkman ng 20 points, 14 rebounds at 7 assists, habang nagbuhos si 7-foot-3 Ramos ng 18 points, 19 rebounds at 6 assists laban kay 7-foot-5 giant Sam Deguara ng Hongkong.
Nag-ambag din si guard Josh Urbiztondo para sa Filipinas ng 16 points sa 4-of-8 shooting upang mapunan ang pagkawala ni Ray Parks.
Si Parks, ang reigning two-time Local MVP, ay hindi nakapaglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa groin injury.
Kumawala ang Alab, umangat sa league-best mark 10-2, sa third quarter, salamat sa 17-2 run ni Balkman.
Nagdagdag sina Lawrence Domingo at Caelan Tiongson ng tig-10 points habang kumamada si playmaker Ethan Alvano ng 7 points, 7 rebounds at 5 assists.
Iskor:
ALAB PILIPINAS (88) – Balkman 20, Ramos 18, Urbiztondo 16, Domingo 10, Tiongson 10, Alvano 7, Rosser 4, Javelona 3, Sumalinog 0, Torres 0.
HONG KONG EASTERN (76) – Elliott 21, Bassett 14, Lau 9, Xu 7, Deguara 7, Chan 5, Yang 5, Siu 5, Tang 3.
QS: 26-23, 45-41, 73-55, 88-76
Comments are closed.