MAGBEBENDISYON ang pamunuan ng Manila Cathedral sa mga abo ng mga namayapa sa ngayong Todos Los Santos at Araw ng Kaluluwa o All Soul’s Day sa Nobyembre a-2.
Sa inilabas na abiso ng Manila Cathedral, apat na banal na misa ang gaganapin sa a-1 ng Nobyembre, ito’y alas-8, at alas-10 ng umaga, at susundan ng alas-4 ng hapon, at alas-6 ng gabi.
Sa All Soul’s Day naman ay sisimulan ang misa ng alas-6 ng umaga at alas-12:10 ng tanghali.
Kasunod nito, ang Blessed Souls Chapel sa loob ng Cathedral, ay bukas sa publiko ng maghapon para magbigay daan sa mga nais na mag-alay ng misa at dasal sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay. DWIZ882
Comments are closed.