‘ABOGADO’, 3 PAMANGKIN HULI SA PANANAKIT SA KAPITAN

arestado

BULACAN – SWAK sa selda ang nagpakilalang abogado, tatlong pamangkin nang gulpihin ang Kapitan ng Brgy. Paltao sa Pulilan.

Arestado ang mga suspek na sina Frances Louise, 28-anyos; Kathe­ryne, 27-anyos; John Ilumba, 21-anyos at Loida Purganan, 50- anyos na nagpakilalang abogado at residente ng Brgy, Maybunga, Pasig City.

Kinilala naman ang biktimang si Kapitan Eduardo Villanueva, nasa  hustong gulang residente sa nabanggit na lugar.

Nabatid na sinugod ng magtiyahin ang nasabing Kapitan at sinisi rito ang  pagkamatay ng kanilang pasyente.

Tumaas ang tensiyon dakong alas-10 :30 ng umaga nang sitahin ng Kapitan ang isa sa mga suspek na kumukuha ng video na walang permiso.

Sinasabing humingi ng tulong ang mga suspek sa Kapitan para sa ambulance  subalit nang isasakay na sa ambulansiya ang pasyente ay namatay rin ito na siyang ikinagalit ng magtiyahin. THONY ARCENAL

2 thoughts on “‘ABOGADO’, 3 PAMANGKIN HULI SA PANANAKIT SA KAPITAN”

Comments are closed.