ABOGADO NG PAMILYA PAROJINOG INAMBUS

SOCO2

OZAMIZ CITY – DEAD on the spot ang dating city prosecutor ng Ozamiz City  matapos tambangan alas-10:30 ng umaga sa Brgy. 50th District.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO-10) spokesperson Supt. Lemuel Gonda ang biktima na si Atty. Geronimo Ma­rabe Jr.

Batay sa inisyal na report, pinagbabaril si Marabe ng apat na hindi nakilalang suspek habang minamaneho nito ang kaniyang sasakyan.

Nadala sa ospital si Marabe subalit idinekla­rang dead on arrival.

Sinabi pa ni Gonda, inaalam pa nila ang buong detalye ng pangyayari kung patungo sa hearing ang nasabing abogado.

Samantala, kung maaalala, kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Ozamiz City Vice Mayor Nova Parojinog.

Habang inilipat naman sa Quezon City Jail ang kapatid nitong si Reynaldo Parojinog Jr.

Ang isa pa nilang kapatid na si Councilor Ardot Parojinog ay wanted ngayon at may patong sa ulo na P5 milyon. EUNICE C.

Comments are closed.