Abot-kaya, ligtas na investment para sa OFWs available na sa OFBank Mobile App

Handog ng Overseas Filipino Bank (OFBank) para sa mga Pilipino at kanilang mga pamilya saanman sa mundo ang mas maginhawang paraan upang kumita at mag-invest sa pamamagitan ng kanilang mobile banking app. Nagsimulang mag-alok ng Bureau of the Treasury’s (BTr) Premyo Bonds, Retail Treasury Bonds (RTBs) at Retail Dollar Bonds (RDBs) ang unang branchless digital-only bank ng bansa noong 2020, bilang bahagi ng kanilang layunin na palaganapin ang financial inclusion sa bansa.

Sa pamamagitan ng OFBank Mobile App, magiging mas madali na para sa mga OFW mag-invest sa medium hanggang long-term product investments ng gobyerno sa halagang kasingbaba lamang ng PHP5,000 para sa RTB at PHP15,000 para naman sa RDBs kahit na saang panig man sila ng mundo.

“Ang OFBank Mobile App ay hindi lamang nagpapalawak ng access sa mga investment ng mga OFW at kanilang mga benepisyaryo, ngunit nagbubukas din ito ng daan upang kanilang makamit ang mas maliwanag at magandang financial future. Ito rin ay nagpapahintulot sa mga OFW na simulang i-invest ang kanilang pinaghirapang pera sa mga bond, na umakma sa kanilang mga ipon, insurance, real estate asset, at kita mula sa maliliit nilang mga negosyo,” saad ni OFBank President & CEO Leila Martin.

Nabibigyan ng sagot ng OFBank ang maraming pangangailangan upang gawing mas simple ang buong proseso ng investment. Dahil dito, mas nahihikayat ang mga investor na ilagay ang kanilang mga pinaghirapang kita rito. Mula sa pag-alis ng mga broker at trader sa proseso hanggang sa pagbabawas ng mga hard-copy document requirement, at sa pagtanggal sa mga hindi na kinakailangang face-to-face interaction sa mga opisina. Lahat ng ito ay nakakatulong sa pagpapaiksi ng noo’y mas mahirap na purchasing step. Bilang madali rin itong mada-download mula sa Google Play at sa Apple App Store, patunay itong tinutupad ng OFBank app ang pangako nitong ang investment ay ‘ilang pag-click lang’ sa isang mobile phone.

“Ang OFBank ang pinakaunang bangko sa bansa na nakatanggap ng digital banking license. At gusto naming ipagpatuloy ang pangungunang ito sa pag-abot sa mga Pilipino saan man sila naroroon, dahil abot na natin ang 123 na bansa. Narito ang OFBank upang suportahan ang bawat hakbang ng kanilang paglalakbay tungo sa financial stability – mula sa unang step na magbukas sila ng digital bank account hanggang sa paghahanap nila ng mga pagkakataon para palaguin ang kanilang pinaghirapang pera at hanggang sa anihin nila ang mga benepisyo ng mga investment na iyon,” paliwanag ni Martin.

Ang mga bond na ito ay nagbibigay pagkakataon sa mga OFW at kanilang mga benepisyaryo na magkaroon ng fixed-income. Ang kanais-nais nitong interest rates ang magbibigay daan sa investments na kumita ng higit pa sa traditional na mga regular deposit account at treasury bill. Isang magandang option rin ang Retail Dollar Bonds para sa mga OFW at kanilang mga benepisyaryo dahil maaari nilang mabili ang mga dollar bond gamit ang kanilang mga kasalukuyang OFBank peso account.

Ang mga bond ay masasabing isa sa mga risk-free o walang panganib na mga option dahil ang mga ito ay inaalok ng gobyerno. Ipinagmalaki din ni Martin na, “Noong malaman nila na ang sales na nakukuha mula mga investment instrument na ito ay ginagamit ng pamahalaan upang pondohan ang mga major development project, pati na ang mga pandemic recovery at resiliency program sa bansa, ay mas na-engganyo ang mga OFW at kanilang mga benepisyaryo na lumahok dito.” Bukod sa Pilipinas, nangunguna sa listahan ng mga OFW market na lumahok sa huling bond offering ay ang United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, Kuwait at Singapore.

Bukod sa mga government security na ito, malapit nang mag-alok ang OFBank ng mas maraming investment tools para sa retail investors, kabilang ang Unit Investment Trust Fund (UITF), sa pamamagitan ng mother bank nito, ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK). Ang UITF ay isang ay isang uri ng trust fund na pinagsama ang mga puhunan ng maraming investor para ma-invest sa isang diversified portfolio. Binibigyang oportunidad ng UITF ang mga investor na magkaroon ng abot-kayang investment opportunity na may simple at convenient na paraan ng pagsisimula ng isang diversified portfolio.