ABOT-KAYA, MAAASAHANG PREPAID INTERNET CONNECTION : TMBAYAN FIBER WIFI INILUNSAD NG GLOBE

GLOBE

PARA magkaroon ng access ang bawat Pinoy sa mabilis at maaasahang internet connection, inilunsad ng Globe ang isang bagong broadband category para sa komunidad: ang TMBayan Fiber WiFi.

Ang bagong serbisyong ito ay magbibigay pagkakataon sa mga Pilipino na makakonekta sa fiber internet sa abot-kayang halaga. Magsisilbi rin itong karagdagang paraan upang kumita para sa mga sari-sari store at iba pang establisimiyento na magsisilbing connectivity hub.

Sa pamamagitan ng TMBayan Fiber WiFi, malayo ang mararating ng mababang halaga: sa halagang P20, may access na sa reliable internet sa loob ng 12 oras.

Bahagi ito ng pangako ng Globe na makapaghatid ng mga produktong pangkomunikasyon gaya ng fiber na labis na kailangan sa mga panahon ngayon.

Sinusuportahan din ng serbisyong ito ang hangarin ng pamahalaan na palaganapin ang internet access sa Pilipinas lalo na sa masa. Gumagamit ang Globe ng iba’t ibang plataporma gaya ng mobile data, home WiFi, at prepaid fiber WiFi, para matugunan ang layuning ito.

“Para matugunan ang tinatawag na digital divide sa bansa, ginagawan ng Globe ng paraan na ma-access ng lahat ang mabilis na fiber internet. Hindi sapat ang pag-aalok ng mga abot-kayang promo at mataas na GB allocation. Ang TMBayan Fiber WiFi ay idinisenyo para maging pinaka-accessible na Fiber plan sa merkado ngayon. Madali nang makararanas ng first world internet ang mas maraming Pilipino para sa pag-aaral, raket, video streaming, online gaming at mga bonding moments kasama ang mga kaibigan at pamilya para sa GV na kailangan nila araw-araw,” sabi ni Globe At Home Brand Management Head Janis Legaspi-Racpan.

“Pinagsasama-sama ng TMBayan Fiber WiFi ang network strength ng Globe at accessibility ng TM para maihatid ang fiber-strong brand of connectivity ng Globe sa mas maraming Pilipino. Layon namin na magkaroon ng mga TMBayan sa buong bansa, para ang lahat ay maka-access ng maaasahang internet connection, ” dagdag niya.

Sa TMBayan Fiber WiFi, maaaring maging WiFi hotspots na may unlimited at affordable connectivity ang mga sari-sari store, town plaza, community center at iba pang lugar kung saan ang karamihan ay nagtitipon-tipon. Pagkakataon din ito para palakasin ng mga sari-sari-store ang kanilang mga negosyo habang nagsisilbing paboritong tambayan ng komunidad.

Pangako ng Globe na magbigay ng #1stWorldNetwork sa mga Pilipino kaya naglaan ito ng P89 bilyon sa pagpapalawak at pagpapahusay ng network ngayong taon. Patuloy na nagdaragdag ang kumpanya ng mga fiber asset at cell site, naga-upgrade ng mga tower sa 4G/LTE, at naglulunsad ng teknolohiyang 5G.