MAGING si Cebu Archbishop Jose S. Palma, na dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ay nagpositibo na rin sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Monsignor Joseph Tan, ang tagapagsalita ng Cebu Archdiocese, kasalukuyan nang nasa ilalim ng medical care ng Perpetual Succor Hospital ang arsobispo.
Tiniyak naman ni Tan na sa ngayon ay nasa stable na kondisyon ang arsobispo.
Nanawagan din siya ng panalangin sa mga mananampalataya para sa tuluyan at agarang paggaling ni Abp. Palma.
“The Archbishop remains in a stable condition. Let us all pray for his steady and speedy recovery,” ani Tan, sa isang pahayag.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Tan na naimpormahan na rin nila ang mga taong nakahalubilo ng arsobispo upang makapag-self quarantine ang mga ito. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.