ABRA GOVERNOR POSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Abra Go­vernor Ma. Jocelyn Bernos matapos makihalubilo sa pagtanggap ng vaccine allotment mula sa Provincial Health Office kahapon.

Inamin ng gobernadora na positive ang resulta ng RT-PCR test matapos ang kanyang rapid antigen test noong Biyernes.

Nabatid na bumiyahe pa ang gobernadora mula sa nasabing lalawigan kung saan negative naman sa unang RT-PCR test kaya balik trabaho ito kung saan tinanggap ang vaccine allotment noong Marso 7.

Ayon pa sa ulat, nakahalubilo ni Bernos ang i­lang personalidad at ibang opisyal sa labas ng probinsya subalit nakaligtaang nitong ipa-check sa PCR tests dahil na rin sa katuwaang pagdating ng vaccine allotment.

Gayunpaman, hindi ininda ng gobernadora ang malimit nitong pagbahin kaya nang mag-self antigen test ito noong Biyernes at lumabas sa resulta kahapon na positive ito sa COVID-19.

Kaagad na inalerto ang mga nakahalubilo ng gobernador at nagsagawa ng contact tracing sa nakalipas na 7-araw kung saan isinailalim sa PCR test sa Rural Health Unit.

Kasalukuyan nasa Abra Provincial Hospital ang Gobernadora na sina­sabing symptomatic at ashmatic. MHAR BASCO

One thought on “ABRA GOVERNOR POSITIBO SA COVID-19”

  1. 805249 458462Normally I do not read write-up on blogs, but I wish to say that this write-up very forced me to try and do so! Your writing style has been surprised me. Thanks, quite good article. 643627

Comments are closed.