KAILANGANG maipatupad ngayong taon ang PUV modernization.
Ito ang iginiit ng Department of Tansportation (DOTr) at hindi na maaring palawigin pa sa Abril 30 deadline.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, siya ang humirit kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa pagpapalawig ng franchise consolidation ng mga jeepney sa ilalim ng PUVs Modernization Program.
Sa ipinatawag na pulong balitaan kahapon, sinabi ni Bautista na kaya inirekomenda sa Pangulo na palawigin pa ang franchise consolidation ay bilang pakikinig na rin sa hinaing ng iba pang driver at operator na makahabol sa programa.
Anang kalihim, sapat na ang 3 buwang palugit na ibinigay at buo na ang kanilang pasya kahit pa magkaroon ulit ng panibagong diyalogo sa mga grupong pangtransportasyon o magpatawag ng panibagong pagdinig sa Kamara.
EUNICE CELARIO