Abril, buwan ng panibagong simula

Kaye Nebre Martin

Sumablay ka. Nadapa ka ng paulit-ulit. Wrong decision, pero ano’ng magagawa mo? Tao lang, nagkakamali. Pero ang Abril ay buwan ng springtime, ng baging simula, at panahon upang mamukadkad.

Hindi pagkakataon lamang na ang April ay mula sa Latin verb na “Aperire” na ang ibig sabihin ay “pagbukadkad”.

Tulad ng mga bulaklak at puno, ito ang panahon para magsimula muli upang ipakitang sa kabila ng nagdaang mga bagyo, may pag-asa pa.

Ano bang meron sa April?

Nagsimula ang American Revolution noong April 19, 1775. Lahat ng Civil War, Spanish War at World War II, nagsimula sa buwan ng Abril. Meron din sa Pilipinas. Noong April 1, 1901, pumirma si Emilio Aguinaldo ng oath of allegiancesa United States, siyam na araw matapos siyang mahuli at makulong. Dati siyang lider ng rebolusyon laban sa mga Americano.

Noong April 7, 1521, nakarating si Ferdinand Magellan sa Mactan. Kaya lang, pinatay siya agad ni Lapulapu noong April 27.

Sa April 9, 1942, napilitan si Major General Edward P. King Jr. na isurender ang Bataan na labag sa kautusan ni General Douglas MacArthur.

Noong April 18, 1877, ang kinilalang Father of Cebuano Journalism, Literature, and Language na si si Vicente Yap Sotto ay isinilang sa Cebu City.

Ngunit ano nga ba ang tunay na dala ng buwan ng April? Ito na yata ang pinakamainit na parte ng taon, ngunit nagsisimula na ring magkabuko ang mga bulaklak at puno ng mga prutas. Sabi nga nila, “April showers bring May flowers” na ang ibig sabihin, tapos na ang mahabang panahon ng pagdurusa. Malapit na kasi ang tag-ulan – ang buwan ng Mayo. Matatapos na ang tagtuyot.

Kung tatanungin ninyo kung sino ang mga sikat na ipinanganak sa buwan ng Abril, heto ang mga sikat sa abroad: Queen Elizabeth II, Mandy Moore, Jennifer Garner, Leonardo da Vinci, David Letterman, Jackie Chan, William Shakespeare, Jessica Alba at Eddie Murphy. Tapatan natin ng local. Meron tayong Daniel Padilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Luis Manzano, Regine Velasquez, Elmo Magalona, Ryan Agoncillo, Vic Sotto, KC Concepcion, at Richard Gomez.