HINAMON ng isang kongresista ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular ang 11,000 empleyado nito.
Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap, kung talagang sinsero ang giant broadcast network sa kanilang slogan na “In Service of the Filipino People”, dapat ay panindigan at patunayan nila ito sa pa-mamagitan ng pag-una sa kapakanan ng kanilang mga empleyado.
Bukod sa pagreregular sa mga empleyado, pinababayaran din sa ABS-CBN ang back pay at iba pang benepisyo ng 120 empleyado na sinasabing ilegal na tinanggal sa trabaho noong 2010.
Ang mga nasibak na manggagawa ng ABS-CBN ay patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan.
Iginiit ng mambabatas na kung magagawa ito ng broadcast network ay tiyak na susunod dito ang iba pang malalaking kompanya kaya sigurado na bayan at mga manggagawang Filipino ang panalo sa ban-dang huli.
Ang hamon ay ginawa ni Yap sa harap ng aplikasyon ng ABS-CBN para sa renewal ng kanilang prangkisa. Ang prangkisa ng network ay mapapaso sa katapusan ng Marso 2020. CONDE BATAC
Comments are closed.