ABS-CBN STARS TARGET NG BIR?

Erick Balane Finance Insider

HINAHABOL ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga sikat na personalidad sa ipinasarang ABS-CBN para malaman kung sino-sino sa mga ito ang nagsipagbayad ng tamang buwis at yaong hindi tumupad sa kanilang yearly tax obligations.

Sinabi ni Quezon City Novaliches Revenue District Officer Rodel Buenaobra na isang grupo ng mga tax expert ang kanyang bin-uo para alamin ang tunay na mga address ng  ABS-CBN stars matapos niyang matuklasan na ang ginagamit na address ng mga ito sa pagbabayad ng buwis ay ang mismong TV network.

“Ilan pa lang sa tunay na address ng mga artista ng naturang telebisyon ang nadiskubre na namin, subalit mas marami pa ang tinutuklas namin kung saan sila tunay na nakatira dahil ang idinedeklara nilang address sa pagbabayad ng buwis ay ang ABS-CBN, kaya patuloy pa rin namin itong inaalam,” sabi ni RDO Buenaobra.

Si RDO Rodel, ayon kay QC-A Regional Director Albin Galanza, ay kabilang sa may pinakamataas na nakolektang buwis, batay sa ranking system ng tax collections ng finance department monitoring system.

Ang nangunguna sa may pinakamagandang tax collection performance ay si South QC-RDO Arnold Galapia, sumunod sina Cubao-RDO Cora Balinas, Nova-RDO Buenaobra at QC-North RDO Antonio Ilagan.

Sa QC-B RDOs, ayon kay BIR Regional Director Romulo Aguila, Jr., ay topnotcher si Pasig City RDO Vicente Gamad, Jr., sinun-dan nina Mandaluyong City, Marikina City RDO Saripoden Bantog, RDO Cainta/Taytay at San Juan City RDO Beth Bautista.

Unti-unti namang nakabawi sa bumagsak na tax collections si Quiapo RDO Joe Luna,  na ayon kay Manila BIR Regional Direc-tor Jethro Sabariaga ay epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa pagkakasara ng ABC-CBN matapos bawian ng prangkisa, sinabi ng source na halos nangalahati ang yaman ng may-ari nito habang bigla namang umalagwa ang networth ng GMA-7 sa loob lamang ng apat na buwan.

Ito ay batay sa ipinalabas na listahan ng Forbes Magazine sa 2020 50 richest sa Filipinas kung saan bumaba ng 48 percent at nasa US$240 million o P11.6  bilyon na lamang ang yaman ni Mr. Oscar M. Lopez, ang 90-year old chairman Emeritus ng Lopez Holdings.

Mayo 5, 2020 nang ipasara ng National Telecommunication Commissions ang broadcasting unit ng ABS-CBN, isang araw makaraang mapaso ang legislative franchise nito noong Mayo 4.

Marami ang nawalan ng trabaho buhat nang ipasara ang giant network  at kanya-kanyang lipatan na ang mga sikat na artista sa ibang istasyon.

Ang ABS-CBN ay kabilang sa pinarangalan ng BIR bilang ‘top taxpayers’ sa hanay ng mga kompanyang regular na nagbaba-yad ng tamang buwis.

Ang pinakamalaking  bulto ng koleksiyon  ng buwis sa BIR noong nakaraang taxable year ay ang LTS o Large Taxpayers Ser-vice na nakapagrehistro ng P1.3 trillion mula sa mahigit 5,000 top corporations sa bansa.

Noong nakaraang 2019 taxable year, ang BIR ay naatasang kumolekta ng kabuuang P2.309 trillion, mas mataas ng 13.24 per-cent kung ihahambing sa nakaraang taon. Ngayong fiscal year 2020, ang BIR ay may tax goal na P2.617 trillion, mataas ng 13.13 percent sa 2019 tax goal.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.