MAKARAANG bigyan ng ikalawang pagkakataon sa kanyang basketball career, umaasa Calvin Abueva na mabibigyan ng korona ang Phoenix.
Si Abueva ay binigyan ng three-year contract extension ng Phoenix at nais niyang ipakita ang kanyang pasasalamat sa team management.
“Nagpapasalamat ako na muli tayong nabigyan ng pagkakataon. Sana makakuha naman kami ng championship sa three years na ‘yun,” sabi ni Abueva.
Makaraang magsilbi ng 16-month suspension sa liga, si Abueva ay bumalik sa paglalaro noong nakaraang season at agad na tumulong sa kampanya ng Fuel Masters.
Ang dating NCAA superstar ay may average na 15.4 points, 11. 3 rebounds, at 5.2 assists per game, kung saan pinangunahan niya ang Phoenix sa semifinals.
Abot-kamay na nila ang finals, ngunit yumuko sa TNT Tropang Giga sa do-or-die Game 5 ng semis.
Sa kabila nito ay naging kontender pa rin si Abueva sa Best Player of the Conference (BPC) award at sa isang puwesto sa Elite Five. Naging kandidato rin siya para sa Samboy Lim Sportsmanship award.
Comments are closed.