HINDI pa rin nakapaglaro si Calvin Abueva sa kampo ng Alaska Aces. Mukhang hindi pa rin na-lift ‘yung suspensyon ng Alaska management sa player. Kaya nga kinausap na ni Abueva ang kanyang manager para magpa-trade kaysa maburyo ito. Tsika namin, gusto ni Calvin ay sa Barangay Ginebra siya i-trade dahil noong wala pa siya sa PBA ay pangarap niyang makapaglaro sa Gin Kings na paboritong team ng basketbolista. Hanggang kailan kaya titiisin ng management si Calvin gayong simula na ng quarterfinals.
oOo
Back to hardcourt na si Jeron Teng matapos ang halos isang buwan ding pahinga sanhi ng nangyari sa kanya sa BGC kung saan na napagtripan sila ng mga dating teammates sa La Salle na sina Norbert at Thomas Torres.
Laking pasasalamat ni Teng na nakabalik na siya sa paglalaro para makatulong sa team. Blessing naman dahil nanalo ang koponan sa kanyang pagbabalik.
Bagama’t nakapaglalaro na si Jeron, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-therapy nito dahil sa tatlong saksak na natamo sa gulong nangyari.
oOo
Naging matagumpay ang pagbubukas ng 94th season ng NCAA na isinagawa sa MOA Arena sa Pasay City.
Magandang buena mano ang ginawa ng defending champion San Beda Red Lions laban sa Perpetual, 67-65. Si Robert Bolick ang naging daan ng panalo ng team ni coach Boyet Fernandez.
Nasubukan naman ang husay sa pagko-coach ni Franki Lim sa Perpetual.
Sa mga hindi nakaaalam, si Lim ang dating head coach ng Red Lions.
oOo
Delikado ang lagay ng siyam na players ng GILAS na sangkot sa rambulan sa laban nito sa Australia sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kamakailan. Posibleng suspendihin ng FIBA sina Jason Castro, RR Pogoy, Calvin Abueva, Matthew Right, Terrence Romeo, Troy Rosario, Andray Blatched, Japeth Aguilar at Carl Bryan Cruz at mapasama ang paglalaro nila sa PBA dahil sakop ito ng SBP. Tulad na lang sa kaso ni Kiefer Ravena ng NLEX Road Warriors na sinuspende ng 18 months ng FIBA matapos magpositibo sa mga ipinagbabawal na substance.
Sobrang maaapektuhan dito ang kampo ng TNT dahil sa dami ng players nila sa GILAS Pilipinas.
Naku, huwag naman sana dahil halos lahat ng mahuhusay na MVP ay pawang naglalaro sa Gilas.
Comments are closed.