HINDI pinayagan ng PBA si Calvin Abueva na samahan ang Phoenix Super LPG sa bubble ng liga sa susunod na buwan.
Isinama ng Fuel Masters ang power forward sa kanilang 25-man lineup para sa 2020 Philippine Cup subalit hindi ito pinayagan ng PBA dahil sa indefinite suspension ni Abueva.
“Because of Calvin’s current status, we can only submit a 24-man lineup at the moment,” pahayag ni Phoenix team manager Paolo Bugia sa report ng Spin.ph.
Si Abueva ay nasa kalagitnaan ng suspensiyon na ipinataw sa kanya noong June 2019 dahil sa pagkompronta sa isang player at isang fan, subalit humingi na siya ng paumanhin at tumugon sa requirements ng PBA para sa kanyang pagbabalik.
Gayunman ay wala pang desisyon ang liga kung kailan papayagan si Abueva na bumalik.
Ayon kay Bugia, patuloy silang umaapela para makabalik na si Abueva.
“So, 24-man muna kami. We are still awaiting final word from the PBA and still hopeful a decision will come before the opening.”
Ang PBA restart ay magsisimula sa October 11.
Comments are closed.