NAGING sandigan ng Phoenix Super LPG si Calvin Abueva matapos na magtamo ng ankle injury si top gunner Matthe Wright sa opener ng PBA Philippine Cup semifinals.
Tumugon ang ipinagmamalaki ng Angeles City, Pampanga sa panawagan at kumamada ng double-double performances na paggabay sa Fuel Masters para makalapit sa finals kung saan kinuha ng Phoenix ang 2-1 series lead sa kanilang best-of-five duel ng TnT Tropang Giga.
Si Abueva ay nanalasa sa kanilang back-to-back wins sa Games 2 at 3, kung saan nagtala siya ng average na 22.0 points sa 55 percent clip, kabilang ang impresibong 63 percent shooting mula sa three-point range, kasama ang 14.5 rebounds, 5.0 assists, at 3.0 steals.
Ang kanyang all-around numbers ay nagbigay-daan para mapili siyang bilang Cignal TV– PBA Press Corps Player of the Week para sa Nov. 16-22 period.
Samantala, bilang starter para sa Barangay Ginebra na abante rin sa serye, 2-1, kontra Meralco, kuminang si Arvin Tolentino sa pagkamada ng 8.7 points per game sa 43-percent shooting mula sa 3-point area, 4.7 rebounds, at 1.7 assists upang kunin ang Rookie of the Week honor na ipinagkakaloob ng mga miyembro ng media na nagko-cover ng pa n PBA beat.
Maagang nalagay sa foul trouble sa Game 1, si Abueva ay nagkasya sa 13-point, nine-rebound output nang malasap ng Fuel Masters ang 92-95 loss kontra Tropang Giga sa larong nalimitahan si Wright sa anim na minuto lamang na paglalaro dahil sa sprained right ankle.
Gayunman ay bumawi ang 32-anyos na si Abueva sa sumunod na dalawang laro ng serye.
Nagbuhos si ‘The Beast’ ng 20 markers, 15 boards, 4 assists at 2 steals nang kunin ng Phoenix ang Game 2, 110-103, at pagkatapos ay sinundan ito ng 24 points, 14 rebounds, 6 assists, at 4 steals sa Game 3 win, 92-89.
“Basta ako, step-up lang. Binibigay ko lahat, energy at effort. ‘Pag nandiyan yung effort, kaya mo ibigay lahat para sa team,” aniya.
Comments are closed.