SI CALVIN Abueva umano ang nakakaalam kung bakit wala siya sa lineup ng Phoenix Super LPG Fuelmasters. Mayroon pa siyang hindi nagagawa kaya panay ang hingi niya ng paumanhin kay Kume Willie Marcial. Ayon naman kay Kume, puwede namang humabol si Abueva sa PBA bubble na gagawin sa Clark. Kapag nagawa na ito ng tubong Pampanga ay maisasama na ito sa team ng Super LPG Fuelmasters.
Harinawa ay makahabol si Calvin sa bubble upang makatulong siya sa team.
o0o
Naging panauhin sa Eat Bulaga ang tatlong PBA players na sina Jonathan Grey ng NorthPort Batang Pier, Ryan Arana ng Rain or Shine Elasto Painters, at Kyles Lao ng NLEX Road Warriors, gayundin si ex-PBA player Paulo Hubalde na nasa ng Valenzuela Team na ngayon sa MPBL. Sa panig ng UAAP ay sina Clint Escamis ng UE Warriors, Jerom Lastimosa ng Adamson University Falcons at Andrei Caracut ng De La Salle Green Archers. Si Ms. Isabel Daza ang naglaro sa ‘Bawal Judgmental’.
Bongga pala itong si Lao na Dean’s lister ng UP. Bihira sa basketball player ang Dean’s lister. Ayon sa basketbolista, sipag at tiyaga ang puhunan niya para mapanatili ang magandang grade niya at patuloy na maging varsity player. Matalinong bata, napakasuwerte ng mga magulang ni Kyles sa kanya dahil mahusay ito Sina hubalde, Arana, Lastimosa, Caracut, at Grey ay pawang varsity player ng kani-kanilang university kaya scholar ang mga ito. At tulad ni Kyles ay todo aral din ang mga ito upang mapanatili ang matatas na grades.
Samantala, si Grey ay balik-aksiyon na rin sa Batang Pier. May isang taon din itong nagpahinga dahil sa kanyang knee injury. Makakasama sa PBA bubble si Grey, excited na ang dating St. Benilde playervsa kanyang pagbabalik.
Si Hubalde naman ay by February ang balik sa Maharlika Pilipinas Basketball League. Posibleng sa January ay magkaroon na rin sila ng ensayo kapag pinayagan na ang MPBL ng Inter Agency Task Force.
Ang mga player ng UAAP na sina Lastimosa at Escamis ay naghahanda na rin para sa UAAP. Naka-online training ang mga ito. Si Caracut naman ay kasama sa team ALAB, baka sumama na rin siya sa 2020 PBA draft 2020. Good luck!
o0o
Nakikiramay ang buong staff ng PILIPINO Mirror sa pamilya ni Ryan Arana na namatay ang butihing ama. Matanda na rin naman ito sa edad na 81. Nakita pa ng tatay ni Ryan ang kanyang dalawang anak.
Comments are closed.