ABUEVA SA JAPAN B-LEAGUE?

on the spot- pilipino mirror

MATAPOS ni Thirdy Ravena ay posibleng maging import din si Calvin Abueva sa Japan Basketball League. Matagal na ring may nagka-kainteres  na team sa Japan sa Pampangenong player, ngunit hindi niya ito pinapansin dahil nga priority pa rin niya ang makabalik sa PBA. Subalit isang taon na ang nakalipas ay wala pa ring linaw kung kailan mali-lift ang indefinite suspension  sa Phoenix player.

Kung hindi pa makababalik si Abueva sa PBA ngayong taon, posibleng tanggapin nito ang offer ng  isang Japan team bilang Asian import. Walang kita si Abueva, alam naman ng lahat na pati suweldo nito ay apektado magmula nang ma-suspinde ito sa kaso sa import ng TNT

KaTropa na si Terrence Jones. Ano lang ba ang kita ni ‘D beast’ sa kanyang restaurant  na “Dampa ni D beast”? Ilan ang anak nito at nariyan din ang kanyang nanay, lola at  kapatid na umaasa rin sa kanyang tulong.

Pero umaasa pa rin si Calvin na makababalik siya sa PBA. Priority niya ang PBA, magtitiyaga muna itong maghintay ngayon. Siyempre,  kapag wala talaga ay hindi isinasara ni Abueva ang pintuan para sa Japan Basketball League.

o0o

Kahit sinong player  kung malaki ang offer sa ibang bansa ay tatanggapin ito. Hindi sa sinasabi ko na pera pera lang ang kalibre ni Thirdy Ravena kung saan P7.3-M per year ang kontrata niya sa Sun EN – NeoPhoenix. Naging wais lang naman ang dating star player ng Ateneo Blue Eagles. Tama lang naman ang desisyon nito na tanggapin ang pagiging import sa Japan League, wala namang aktibidad na basketball sa bansa. At tsika namin, may blessing naman  ang PBA, sa pamumuno ni kume Willie Marcial,  na pinayagan si Thirdy na maglaro sa Japan. Ang Japan Basketball League ay may 40 games per season.

o0o

Saludo kami kay Congressman Egay Erice na tinulungan si Jhonel Agner na nag-trending kamakailan makaraang i-enrol ang sarili through online. Ngunit dahil kapos sa pagkaunawa sa English, hindi niya masagutan ang ibang katanungan at last day na ang enrollment. Napansin ito ni Kuya Peter, ang may-ari ng internet shop, na naging daan sa pagiging trending ni Jhonel, dahil in-upload niya ito sa internet. Nahihirapan si Jhonel sa ginagawa nito. Sa tulong ni Kuya Peter ay nakapag-enrol ang kapuspalad na bata, na ang tatay ay isang construction worker. Dahil nais ni Agnerl na magkaroon ng magandang buhay sa p­aglaki niya ay pinilit niyang mag-enrol. Pagkatapos ng high school ay gusto ng bata na maging pulis.

Nalaman ito ni Congressman Erice at pinuntahan ito sa bahay ng bata sa may Camarine, Caloocan. Binigyan niya ang bata ng isang malaking tablet, at kada buwan ay tatanggap si Agner ng allowance kay Erice para sa load. Nagpapasalamat si Jhonel sa lahat ng tumutulong sa kanila ngayon, lalo na kay at Erice.

Comments are closed.