ISA sa suwerteng player ngayon itong si Calvin Abueva. Blessing ang pagkakalipat niya sa kampo ng Magnolia Hotshots dahil ipinangako ni RSA na sa Hotshots na magrereretiro ang tubong- Pampanga player.
Nakita ni RSA ang kanyang sarili kay Calvin, na lumaki sa kalye. Tulad ni Calvin ay laking kalye rin si RSA. Kaya alam niya na masipag ang tulad ni Abueva. Kapag naisipan nitong maagang magpaalam sa paglalaro ay bibigyan niya ng negosyo ang dating NCAA MVP.
Tama ang kasabihan na kapag nawala ang isang bagay sa iyo ay may mas magandang kapalit ito. Ito ang nangyari kay ‘D Beast . Maganda na rin sana ang kalagayan niya sa Phoenix Super LPG Fuel Masters noong siya ay nakabalik sa liga pagkatapos ng halos isang taon na parusang pinagdusahan dahil sa gulong kinangsangkutan sa import ng TNT KaTropa.
Sa kanyang pagbabalik sa paglalaro ay nakitaan siya ng pagbabago lalo na sa kanyang attitude sa paglalaro. Ang dating mapang-asar at pikon na player ay nagbago na. Pero nakakamiss ‘yung tunay na Abueva, ‘yung alaskadpr sa loob ng court. Hindi bagay sa kanya ang tahimik sa loob ng court. Saludo kami kay Calvin, kahit maraming problema sa buhay ay hindi niya ito dinadala sa paglalaro. Matapang na hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa kanya lalo na pagdating sa pamilya. Good luck, Calvin!
Kumpiyansa ang Alza Alayon Zamboanga Del Sur na matatag at palaban ang koponan na nabuo nila para isabak sa Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup na nakatakda sa Mayo 30.
Pangungunahan ng beterano na tila palos sa bilis na si Eloi Poligrates, dagdag pa itong si Dan Sara ang Zamboanga Del Sur sa kauna-unahang professional basketball league sa South.
“We expect Eloi and Dan to lead our team in the VisMin Super Cup,” pahayag ni Alayon Zamboanga del Sur head coach Rodolfo Abad, Jr.
Ang 33 anyos, 6-foot na si Poligrates ay tanyag bilang scorer sa mga koponang nilaruan niya sa iba’t ibang liga sa bansa. Huling naglaro ang tubong Cebu sa Rizal squad sa 2021 Chooks-to-Go MPBL Mumbaki Cup.
Pinagbidahan naman ng 5-foot-7 na si Sara ang Batangas-Tanduay sa MPBL Lakan Cup.
Makakasama nila ang mga beterano ring sina dating San Juan big man Jeff Tajonera at ex-Nueva Ecija gunner Adrian Celada. Kabilang din sa koponan sina Eric Bangcoyan, Russel Moneva, Shawn Labisores, Orly Biwang, Charles Pepito, Mario Junio, Garexx Puerto, Levert Lintayan, Daryl Cruz, Vanrolph Amoquis, Kenith Dela Cruz, Ruben Caritan, Archie Cabrilla, Hans Sison, JR Raflores, John Calvin Jabello, Klent Singedas, at Constacio Lumingkit.
Ipinahayag ni Governor Victor Yu na tiwala siya na may mararating ang Zamboanga del Sur sa Mindanao leg ng liga na itinataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).
Sinabi naman ni team owner Rep. Divina Yu na makaaasa ang publiko na mapangangalagaan ng liga ang mga player at personnel tulad ng naganap sa bubble setup ng Visayas leg kamakailan sa Alcantara, Cebu.
“We believe that VisMin Super Cup will ensure the safety of our players in their bubble,” dagdag pa niya.
485754 785908When I initially commented I clicked the “Notify me when new comments are added” checkbox and now each time a comment is added I get four e-mails with the same comment. Is there any way you can remove me from that service? Thanks! 125151
702300 196533Hey, you used to write fantastic, but the last few posts have been kinda boringK I miss your great writings. Past several posts are just a little bit out of track! come on! 392200
72424 690396I dont normally look at these types of web sites (Im a pretty modest person) – but even though I was a bit shocked as I was reading, I was undoubtedly a bit excited as effectively. Thanks for producing my day 64329
269331 227209I got what you intend, saved to fav, extremely nice web site . 42882