GRABE pala ang nag-aabang sa pagbabalik-laro ni Calvin Abueva sa PBA. Hindi lamang mga follower ni ‘D Beast kundi pati ang mga supporter ng PBA. Mas marami pa ang viewers ni Calvin kaysa sa 2nd game na pinaglabanan ng Magnolia Hotshots at Brgy. Ginebra Gin Kings.
Hindi nga napigilan ng tubong-Angeles, Pampanga na mapaluha sa tuwa dahil hindi niya akalain na kahit hindi niya fans ay nagmamahal sa kanya. Katunayan, isang netizen na nagbebenta ng mga sports good ang nakita ito na suot ang panlaro ng player na lumang style na. Dahil alam niya na sikat si Abueva ay hindi umano bagay sa katulad ng basketbolista na mumurahin ang sapatos na panlaro nito. Kaya pinadalhan si Calvin ng isang LeBron Space Jams na bagong labas na basketball shoes upang magamit ito ni ‘D Beast. Napag-alaman ng On the Spot na ‘yung suot-suot ni Abueva na panlaro ay nag-iisa na lang pala. Mula nang mawalan ng kita at nasuspinde, tumalikod na rin ang mga sponsor nito.
Ngayon sa pagbabalik ni Abueva sa kanyang team na Phoenix Super LPG Fuel Masters ay ibang ’D Beast na ang mapapanood ng mga basketball fan. Sa unang laro niya ay pino-provoke talaga siya ng kalaban para magalit. Pero pinatunayan ni Calvin na nagbago na siya. Sana nga ay tuloy-tuloy na ang pagiging cool ni Abueva sa loob at labas mg court.
o0o
Bagaman mabagal ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na madagdagan ang mga binuksang off-track betting station (OTBS) na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) ay nagresulta ito sa pagtaas ng kita ng mga OTB operator, gayundin sa buwis ng pamaha-laan matapos ang halos walong buwang pagsadsad ng industriya bunsod ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa karagdagang 26 OTBs na nag-ooperate sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), inilabas ng GAB-Horse Racing Betting Aspect Division ang official sales report mula sa premyadong horseracing club sa bansa — Metro Manila Turf Inc. (MMTCI), Manila Jockey Club Inc. (MJCI), at Philippine Racing Club Inc. (PRCI) – simula noong September 6 hanggang October 25.
Batay sa datos, umangat ng 45.20% (P9,923,091) ang kinita ng may kabuuang 72 OTBS kumpara sa P6,834,010 na kinita noong 45 pa lamang ang betting kiosks na pinayagang mag-operate sa National Capital Region at Region IV-A.
Sinimulan ni Mitra nitong Hunyo 10 na iprisinta sa IATF Executive Committee ang nabuong ‘health and safety protocols’ ng GAB, sa gabay ng grupo ng mga ekspero sa medisina. Ngunit pansamantala itong nabimbim habang patuloy ang pagkalap ng mga impormasyon hinggil sa tamang programa na magagamit ng publiko sa pagbabalik ng horseracing .
Nitong September 6, opisyal nang nagbalik ang horseracing matapos ma-finalize ang ‘specific guidelines’ para sa operasyon ng OTBS, kabilang ang one-time betting policy, advance betting policy, at social distancing, gayundin ang mga tamang patakaran sa mismong karerahan.
Matapos ang pilot testing sa 45 GAB-accredited OTBS, pinayagan na rin ang pagbubukas ng karagdagang 26 betting kiosks batay sa Resolution No.79 na napagkasunsuan ng IATF at Metro Manila mayors.
“This is a good sign for the horse racing industry that despite the pandemic that we are experiencing right now, we are slowly recovering and fortunately, based on the sales data, much better than before,” sabi ni GAB Commissioner Eduard Trinidad.
Comments are closed.