HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Mayroon din ba kayong mga pagkakataon na kailangan n’yong magbangko pero kayo ay nasa bakasyon, out of the country, gabi na or walang malapit na branch? May solusyon ang Asia United Bank o AUB para riyan! Ito ay sa pamamagitan ng AUB MOBILE BANKING APP!
Sa pamamagitan ng AUB Mobile Banking App na libre mong mada-download sa Google Playstore or Apple Appstore, maaari mo nang gawin ang mga sumusunod:
- Mag-check ng account balance. Sa pamamagitan ng AUB Mobile Banking, hindi mo na kailangan pang pumunta sa bangko upang magpa-update ng passbook o kaya naman ay gamitin ang ATM para ma-check ang iyong balance. Updated na in real time ang iyong account balance sa mobile banking facility.
- Mag-fund transfer sa ibang AUB account o kaya ay sa accounts sa ilang selected banks. Mas mabilis na ring maglipat ng pera from your AUB account papunta sa iba pang AUB account. Maaari ka ring maglipat ng funds from your AUB account papunta sa mga accounts na nasa ibang bangko.
- Magbayad ng bills tulad ng telcos, kuryente, tubig, association dues, credit card, tuition fees at iba pa. Tingnan lamang ang listahan na mayroon ang AUB.
- Safe at Secured pa ang transaction dahil sa paggamit ng two-factor authentication. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng iyong password at ng AUB security token!
Mas pinasimple na nga ang banking with the AUB Mobile Banking App!
Kaya punta na sa kahit saang branch ng AUB and #AskUrBanker tungkol sa AUB Mobile Banking App.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.