ACCOMPLISHMENT NG DUTERTE ADMIN IBINIDA

duterte admin

IPINAGMALAKI  ng Malakanyang  ang mga nagawa ng administras­yong Duterte nitong 2018.

Batay sa year-end report ng Palasyo, ipinagmamalaki ang pagkakabalik ng Balangiga bells sa bansa matapos ang mahigit sa isang siglo.

Tinukoy rin ang rehabilitasyon ng Boracay at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nilagyan ng mga electronic-gate upang maiwasan na ang mahabang pila sa Immigration counter.

Binanggit din ang pagdedeklara ng Philippine Rise bilang marine resource reserve.

Kasama ang paglalagda ng Filipinas at Kuwait sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa kapakanan ng mga mang­gawang Pinoy o OFW.

Kabilang din ang regularisasyon ng mahigit sa  400,000 manggagawa alinsundo sa kampanya kontra endo o kontraktuwalisasyon sa mga mang­gagawa.

Nalagdaan din at naisabatas  sa 2018 ang ilang mahahalagang panukala  tulad ng free irrigation, free tuition sa state universities and colleges at national mental health policy.

One thought on “ACCOMPLISHMENT NG DUTERTE ADMIN IBINIDA”

Comments are closed.