ACCOMPLISHMENT NI DUTERTE

Presidential Spokesman Salvador Panelo-5

THE best is still to come.

Ito ang pangakong binitiwan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasabay ng paglalahad ng mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan.

“The President’s record as the Philippines Chief executive speaks for itself,” wika ni Panelo.

Sa kalagitnaan ng kanyang panunungkulan bilang ika-16 na Pangulo ng bansa ay binanggit ni Panelo ang mga hindi mabilang na programa ng Pangulong Duterte kabilang ang kampanya kontra droga, pagbaba sa bilang ng kriminalidad sa bansa at pagsuko ng halos isang milyong indibidu­wal kabilang ang mga drug personalities at pagsasailalim sa rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga.

Ayon kay Panelo, na marami nang  nagawa ang Presidente na napapakinabangan na ng mga Filipino kabilang na ang mga batas na nagkakaloob ng free tuition sa  state universities and colleges, libreng irrigation sa mga magsasaka, internet access sa mga pampublikong lugar, feeding program sa  public school students, universal health care program, libreng gamot at financial support sa mga mahihirap na pasyente, mandatory PhilHealth coverage sa mga persons with disability (PWDs), increase sa pension ng SSS, pagdoble sa sahod ng mga sundalo at pulisya at marami pang iba na lubhang pinakikibangan ng mga mamamayan.

“In the scale of 10, it should be nine. ‘Di mo ba nabasa ‘yung listahan ng accomplishments niya, walang Presidenteng nakagawa ng gano’n,” giit ni  Panelo.

Maituturing din na malaking accomplishment sa pinalakas na revenue collection ng gobyerno ang pagkolek­ta ng halos 40-bilyong piso mula sa Mighty Corporation na nabigong magbayad ng kaukulang excise taxes sa kanilang produktong sigarilyo.

Sinabi ni Panelo na bukod sa mga nabanggit na accomplishments ay marami pa ring dapat gawin ang Pangulo at asahang mas marami pang magagawa para sa bansa sa nalalabing panahon ng kanyang panunungkulan.

Ayon pa kay Panelo, sa harap ng kabi-kabilang pagbatikos at black propaganda ng  political enemies laban sa Pangulong Duterte at pamilya nito ay ni minsan ay hindi naghain ng reklamo laban sa mga ito.

“The President has demonstrated altruism as the nation’s father by visiting our troops regularly to boost their morale, attending the wakes of our slain soldiers, policemen, and other law enforcement personnel who died in the line of duty and taking care of their families,” sabi pa ni Panelo. EVELYN QUIROZ