ACCOUNTANT NI GUO PINALAYA

Pinalaya na ng Senado ang sinasabing accountant ni suspended Bamban Mayor Alice Guo na si Nancy Gamo mula sa pagkakadetine nito.

Gumawa ng mosyon si Senador Robin Padilla na palayain na si Gamo matapos ang pagiging “cooperative” nito sa Senado.

Inaprubahan naman ni Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equa­lity, ang mosyon ni Padilla.

“Madam Chair, tutal napaka-cooperative naman po niya sa atin, hinihingi ko po na sana po mapalaya siya sa kustodiya ng Senado. I so move, Madam Chair,” ani Padilla.

Matapos ito, sinabi ni Hontiveros kay Gamo na malayo na siya sa hurisdiksyon ng komite.

“Ms. Nancy, nang may pasasalamat ng komite sa inyong malaman at makatotohanan na pagsagot sa aming lahat ng mga tanong ay malaya na po kayo sa jurisdiction ng komite,” sinabi ni Hontiveros.

Matatandaang kamakailan ay inaresto ng Senado si Gamo dahil sa patuloy na hindi pagdalo nito sa pagdinig ng mataas na kapulungan sa imbestigasyon kaugnay ng Phi­lippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

LIZA SORIANO