ACES AYAW PAAWAT

ACES-GLOBAL

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Magnolia vs Blackwater

7 p.m. – San Miguel  vs Columbian

BINURA ng Alaska ang third-quarter deficit tungo sa 109-103 panalo laban sa GlobalPort at napanatili ang winning run nito sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naghahabol ang Aces sa 71-58 sa kalagitnaan ng third quarter subalit bumanat ng mainit na 14-2 run, na tinuldukan ng isang three-pointer mula kay  Simon Enciso, upang maitarak ang 85-83 kalamangan papasok sa fourth quarter.

Napalawig ng Alaska ang winning streak nito sa limang laro para sa 5-1 kartada habang buamgsak ang Batang Pier sa 3-4 bara-ha.

“I love the grit and I expected that we needed it this game, Globalport is one of the grittiest teams in the league, the guys in that team are physical and they play hard,” wika ni Alaska head coach Alex Compton.

Nabawi ng GlobalPort ang bentahe sa 90-87 sa kaagahan ng fourth bago muling nagpaulan ng puntos ang Alaska kung saan naipasok ni Vic Manuel ang dalawang sunod na baseline jumpers upang tuldukan ang 18-3 run para sa 105-93 kalama­ngan  sa huling 2:48.

Pinangunahan ni Manuel ang Aces na may team-high 22 points habang nagdagdag si Chris Banchero ng 19 points, 5 rebounds at 7 assists.

Tumipa si Antonio Campbell ng 18 points at 18 rebounds at nag­dagdag si Kevin Racal ng 12 at 10 points para sa Alaska.

Kumana si Malcolm White ng 27 points at 6 rebounds upang pangunahan ang GlobalPort habang gumawa si Stanley Pringle ng 26 points at 6 assists.

Iskor:

Alaska 109 – Manuel 22, Banchero 19, Campbell 18, Casio 12, Racal 10, Thoss 8, Teng 8, Enciso 6, Exciminiano 3, Magat 3.

GlobalPort 103 – White 27, Pringle 26, Anthony 16, Nabing 12, Javelona 7, Grey 6, Tautuaa 5, Elorde 4, Teng 0, Arana 0.

QS: 20-29,50-59, 85-83, 109-103.

 

Comments are closed.