Mga laro ngayon:
4 p.m. – NorthPort vs Magnolia
6:45 p.m. – San Miguel vs Ginebra
NALUSUTAN ng Alaska ang matamlay na simula upang maitakas ang 105-97 panalo laban sa Phoenix Super LPG sa PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.
Naghabol ang Aces ng 10 points matapos ang opening frame at nalamangan ng hanggang 14 points, subalit nadominahan nila ang final quarter upang kunin ang ikalawang sunod na panalo at putulin ang two-game winning streak ng Fuel Masters.
Umangat ang Alaska sa 5-3 habang nahulog ang Phoenix sa 4-3 kartada.
“I can’t be prouder because we showed the resiliency we’re talking about,” pahayag ni Alaska coach Jeff Cariaso.
Nanguna si Vic Manuel para sa Aces na may 24 points, 7 rebounds at 3 assists.
“Ready lang ako lagi, at kailangan din naman talagang mag-lead lalo na sa endgame. Maganda ang naging resulta,” sabi ni Manuel.
Naging sandigan din ng Alaska si Mike Digregorio na nagpasabog ng krusyal na 3-point bombs na nagsindi sa kanilang breakaway. Tumapos ang Alaska prized trade recruit na may 21 points, tampok ang 4-of-7 treys.
“Diniskas ni coach sa fourth quarter yung opensa namin. Nag-respond lahat, maganda ang ball movement at nakakuha kami ng open shots,” ani Manuel.
Nakitang bukas ang sarili, naipasok ni Manuel ang isang perimeter shot na nagbigay sa kanila ng unang double-digit lead sa 93-82 sa kalagitnaan ng payoff quarter.
Sina Jvee Casio at Rob Herndon ang dalawang iba pang Aces na nagtala ng double figures na may 13 at 12, ayon sa pagkakasunod.
Nagbuhos si Matthew Wright ng 27 points para sa Fuel Masters na nakakuha ng 18 points at 8 rebounds mula kay Calvin Abueva sa kanyang ikalawang laro sa kanyang pagbabalik mula sa suspensiyon. CLYDE MARIANO
Iskor:
Alaska (105) – Manuel 24, Digregorio21, Casio 13, Herndon 12, Teng 9, Brondial 8,Ayaay 6, Tratter 5, Ebona 4, Ahanmisi 3, Marcelino0, Galliguez 0, Publico 0, Adrada 0.
Phoenix (97) – Wright 27, Abueva 18, Chua 15, Perkins 10, Jazul 9, Intal 8, Garcia 7, Marcelo 2, Heruela 1, Gamboa 0, Reyes 0, Napoles 0, Rios 0.
QS: 19-29, 49-55,71-75,105-97.
Comments are closed.