SINELYUHAN ng Alaska Aces ang kanilang pagpasok sa PBA Governors’ Cup quarterfinals makaraang pataubin ang NLEX Road Warriors, 106-90, sa pagtatapos ng elimination round kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sa pangunguna ni import Franco House, katuwang sina Kevin Racal, JV Casio, Vic Manuel at Simon Enciso, kinontrol ng Aces ang laro at tinapos ang elimination na may 5-6 kartada.
Nalasap ng Road Warriors ang ikatlong kabiguan sa 11 asignatura.
Walang epekto sa NLEX ang pagkatalo dahil matagal na silang pasok sa quarterfinals at nakuha ang top seed at ang twice-to-beat advantage sa susunod na round
Bukod sa NLEX, ang iba pang quarterfinalists ay ang Meralco, Talk ‘N Text, Barangay Ginebra, San Miguel Beer, Magnolia, NorthPort at Alaska.
Nagbuhos si House ng game-high 24 points, 8 rebounds at 5 assists, at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.
Lumamang ang Alaska ng 22 points, 61-39, makaraang umabante sa 33-23 sa first quarter sa pitong sunod na puntos ni Kevin Racal. Magmula rito ay hindi na binitawan ng Aces ang trangko at nakipagpalitan na lamang ng tira sa Road Warriors, sa tuwa ni coach Jeffrey Cariaso.
“We really need this game and my players gallantly stood down the stretch and preserved the win,” sabi ni Cariaso.
Ang walang siglang laro ng NLEX ay dala ng pagkatalo nila sa NorthPort na pumutol sa kanilang five-game winning streak.
Magsisimula ang quarterfinals sa Sabado. CLYDE MARIANO
Iskor:
Alaska (106) – House 24, Casio 12, Racal 12, Tratter 12, Manuel 10, Herndon 10, Ahanmisi 8, Enciso 7, Ayaay 4, Brondial 4, Thoss 3, Galliguez 0.
NLEX (90) – Harris 22, Quinahan 17, Ravena 15, Ighalo 5, Soyud 4, Paniamogan 4, Miranda 2, Cruz 2, Alas 0, Fonacier 0.
QS: 33-23, 63-46, 81-65, 106-90.
Comments are closed.