ACES SUMAMPA SA QUARTERS

aces vs northport

Mga laro ngayon:

AUF Gym

4 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

6:45 p.m. –  TNT vs Meralco

NAGBUHOS si Abu Tratter ng 16 points at nagdagdag si Rodney Brondial ng 16 mula sa  bench upang tulungan ang Alaska na gapiin ang NorthPort, 102-94, at umusad sa quarterfinals sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Lumamang ang Alaska ng hanggang 14 points subalit nagbanta ang NorthPort sa second half. Gayunman ay pinangunahan nina Tratter at Brondial ang 14-2 run na muling nagbigay sa Aces ng double digits na kalamanga.

Muling nanalasa si Brondial sa fourth quarter sa pagkamada ng 6 points sa 8-0 run ng Alaska.

Nagdagdag si Jeron Teng ng 14 points, 8 rebounds, at 6 assists, habang gumawa si Robbie Herndon ng 13 points para sa Aces.

“We are happy with our progression throughout the conference,” wika ni Alaska coach Jeff Cariaso matapos ang panalo. “It’s been a tough 10 games and it’s going to be an even tougher game next Monday to end the eliminations.”

Ang Alaska (6-4) ang ika-4 na koponan na umabante sa susunod na round kasunod ng TNT Tropang Giga at Barangay Ginebra na may magkatulad na 6-2 rekord, at  Phoenix Super LPG na nasa solo third place sa 6-3.

May tsansa pa ang NorthPort (1-7) , na pinangunahan ni Christian Standhardinger na may 39 points, na makapasok sa playoffs, subalit kailangang manalo ng Batang Pier sa kanilang nalalabing  tatlong laro.

Samantala, rumolyo ang NLEX sa ikatlong sunod na panalo sa pamanagitan ng 124-90 pagbasura sa defending champion San Miguel Beer upang mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa para sa isang puwesto sa quarterfinals.

Umangat ang Road Warriors sa 4-5 record habang nahulog  ang Beermen sa 5-4.

Nakatikim naman, sa wakas, ng panalo ang Terrafirma makaraang pataubin ang inaalat na Blackwater, 110-101.

Bumagsak ang Elite sa 2-6 kartada para lumiit ang kanilang pag-asa na makapasok sa quarterfinals. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro:

Terrafirma (110) – Perez 27, Adams 20, Tiongson 19, Calvo 11, Camson 11, Faundo 7, Ramos 5, Khobuntin 4, Celda 4, Cahilig 2, Agovida 0, Baligasay 0.

Blackwater (101) – Canaleta 29, Trollano 16, Sumang 15, Daquioag 12, Belo 10, Magat 8, Golla 4, Dennison 4, Tolomia 3, Dario 0, Escoto 0, Salem 0, Gabriel 0.

QS: 27-20, 54-45, 80-81, 110-101.

Ikalawang laro:

Alaska (102) — Tratter 16, Brondial 16, Teng 14, Herndon 13, Manuel 11, Ahanmisi 11, Casio 6, Ebona 6, DiGregorio 6, Galliguez 3, Publico 0, Ayaay 0.

NorthPort (94) — Standhardinger 39, Lanete 11, Nabong 11, Taha 10, Elore 9, Ferrer 8, Subido 3, Cruz 3, Revilla 0, Guinto 0, Manganti 0.

QS: 27-18; 45-40; 69-65; 102-94.

Ikatlong laro:

NLEX (124) – Miranda 22, Alas 19, Quinahan 14, Ravena 14, Cruz 11, Semerad 10, Porter 9, Soyud 6, Ighalo 6, McAlo-ney 5, Galanza 4, Paniamogan 2, Taulava 2, Ayonayon 0.

SAN MIGUEL (90) – Zamar 23, Pessumal 11, Tautuaa 10, Cabagnot 9, Ross 9, Santos 8, Comboy 8, Alolino 7, Mamaril 4, Gamalinda 1,De Guzman 0, Escoto 0.

QS: 36-25 ; 67-47 ; 91-65 ; 124-90.

Comments are closed.