CAMARINES SUR- ISANG pawnshop ang niloobanan ng umano’y acetylene gang na ang istilo ay paghukay mula sa drainage para makapasok sa loob ng establisimiyento sa Naga City.
Sa ulat ng awtoridad, patuloy pa ring pinaghahanap ng awtoridad ang mga suspek na nanloob sa isang pawnshop habang sinabi ni Kagawad Mike Parro Brgy. Sta. Cruz, na nananatili pa ring hindi pa nakikilalang mga suspek.
Ayon kay Parro, planado ang nangyaring nakawan dahil sa ginawa nitong hukay sa ilalim ng drainage na ginawang daanan para makapasok sa pawnshop.
Tinitingnan naman ang closed circuit television (CCTV) footages sa mga katabi nitong lugar upang malaman kung mayroon mang kahina-hinalang mga dumaan nang panahong mangyari ang krimen. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.