ACM HANDS-ON TRAINING PARA SA COMELEC EID PERSONNEL

SUMAILALIM sa hands-on training ang mga kawani ng Education and Information Department (EID) ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa end-to-end operation ng Automated Counting Machine (ACM).

Ang pagsasanay ay isinagawa ng Information Technology Department (ITD) ng COMELEC bilang paghahanda sa mga demonstrasyon ng ACM sa iba’t-ibang sektor at sa nalalapit na ACM roadshow.

Dumalo si Chairman George Erwin M. Garcia upang magbigay ng mahahalagang pananaw at pa­alala ukol sa kahalagahan ng wasto at komprehensibong edukasyon para sa mga Pilipino tungkol sa bagong makinaryang ito.

Ayon kay Garcia, mahalagang maiparating sa publiko ang tamang impormasyon tungkol sa ACM upang masigurong magiging maayos, mabilis at kapani-paniwala ang halalan.

Ang ACM ay bahagi ng inisyatibo ng poll body na mapahusay ang sistema ng pagboto at bilangan sa bansa gamit ang makabagong teknolohiya.

RUBEN FUENTES