INILARAWAN ni bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. na isang pamilya ang buong organisasyon na kanyang pinamumunuan.
Gayunman, sakaling may nagkasala sa kanyang mga tauhan na mahigit 228,000 ay kaniya itong parurusahan at kung kinakailangang ipakulong ay kanyang gagawin.
“Ang mga komander, he/she should treat their personnel as a family member kumbaga ‘yung nanay o ‘yung tatay kapag nagkalat ang anak, puwedeng paluin pero huwag ipapahiya, kung kailangang ipakulong, ipakulong,” ayon kay Acorda.
Hiling naman ni Acorda sa media na ipaalam sa publiko na sila ay nagkakaisa at pinagtitibay ang mandato at tungkulin.
““I would like to take this opportunity for the media, I want to be open with you, transparent with you to make sure that what the police is doing is being relayed sa ating community because I think that is the best way to get the trust and confidence of the people and also I would like to take this opportunity to solicit your support to engage our community na magsumbong,” ayon kay Acorda.
E. CELARIO