DAHIL sa hangarin na makatulong sa mas maraming mahihirap na Pilipino kaya itinatag ng negosyante, philantropist at dating reporter na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez ang Act Agri Kaagapay Organization.
Ang Act Agri-Kaagapay ay isang non-stock, non-profit organization na ang layunin ay mag-provide ng welfare development programs sa mga most disadvantaged individuals and families sa bansa.
Nagsimula ang operation ng Act Agri Kaagapay noong nakalipas na taon sa San Nicolas, Binondo, Maynila hanggang umabot ang serbisyo nito sa iba’t-ibang panig Metro Manila hanggang sa Visayas at Mindanao ay may natulungan na.
Si Ms. Rodriguez ay author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasakan ang kanyang mga “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.
Ani Ms.Rodriguez, sa panahon ngayon ng mga makabagong tecknolohiya, gadgets, social media at mabilis na takbo ng panahon ay maaaring mabago ang buhay ng bawat isang Pilipino.
“Time really flies so fast. Another year end and a new year come. It seems it was just like yesterday, and here, welcoming the year 2024. Looking back to all that has happened in 2023, we still have the same issues in life, particularly on how the Philippines struggle to fight food security and high prices in basic commodities especially in the agricultural sector” pahayag ni Ms.Rodriguez.
Ang nasabi aniyang mga pagsubok ang nag-udyok sa kanya para itatag ang organization na mag-focus sa pagtulong sa “troubled sector” lalo na sa milyon-milyong magsasaka sa bansa.
“Act Agri Kaagapay organization is not only a mere agricultural organization, but an organization with heart driven by a sincere goal to achieve real success in farming through different best practices and modern technology around the world” pahayag pa nito.
“Soon, our country will no longer be affected by the food crisis once we unite to fight “poverty and hunger” by combining our experiences, knowledge, best practices, technology and development in agricultural areas,” pagtatapos pa niya.