Tone-toneladang bigas at mga canned goods na aabot sa P5 milyon ang halaga ang pinadala ni ACT-CIS Congresswoman Jocelyn Tulfo at asawa nitong si Raffy Tulfo sa mga binaha sa Cagayan partikular na sa Tuguegarao City at sa Isabela ilang oras pa lamang matapos bahain ang dalawang lalawigan noong Sabado ng umaga.
Nagbigay din ng paunang tulong si Ginoong Tulfo para sa mga nasalanta naman ng bagyong Ulysses sa Alagang Kapatid Foundation ng TV5 na P1 milyon, habang 5,000 mga banig, kumot, tsinelas at toiletries naman ang pinamahagi ni ACT-CIS 3rd Congresswoman Niña Taduran sa mga kababayan nito sa Albay at Catanduanes at sa lalawigan ng Rizal, paghupa ng mga bagyong Rolly at Ulysses.
“Naipangako namin noong kampanya pa lamang na kasama ninyo parati ang ACT-CIS, kaya ngayon tinutupad lang namin ang ang aming promise,” pahayag ni ACT-CIS 1st Congressman Eric Yap sa isang panayam sa radyo nitong weekend.
“At kahit wala pong kalamidad, maaari po kayong lumapit sa aming mga tanggapan sa Bicol, Isabela, Nueva Ecija, Davao, at dito sa Metro Manila para sa problema ninyo sa medikal, legal, labor at maging sa pangkabuhayan,” dagdag pa ni Yap.
At matapos manawagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro ng ayuda nitong Biyernes lamang para sa kanyang mga constituents na biktima ng bagyong Ulysses, nangako naman si Cong. Yap sa tulong din ng Erwin Tulfo Action Center na magpapadala ngayong umaga ng 200 sako ng bigas at 200 boxes ng mga corned beef sa nasabing lungsod.
“Magbibigay din daw ngayong araw si Sir Erwin ng P1 milyon sa lokal na pamahalaan ng Marikina para sa mga kababayaan natin doon na kailangang makapagsimulang muli at P2 million naman sa simbahan sa Cagayan para sa kanilang relief and rehabilitation drive doon,” ani Yap.
Una nang nagbigay ng P1 million sa simbahan ng Albay ang Tutok Erwin Tulfo para sa relief operations matapos tumama ang bagyong Quinta sa Catanduanes at Albay ilang araw na ang nakalilipas. PMRT
Comments are closed.