Hihingiin ng tatlong mambabatas ng ACT-CIS Partylist ang suporta ng ibang mga kasamahan sa Kongreso para sa mabilisang pagpasa ng panukalang batas para sa buwanang cash assistance sa mga mahihirap na persons with disabilities (PWDs) sa bansa.
Ayon kay ACT CIS Cong. Edvic Yap, “pag marami ang susuporta sa batas na ito, mas mapapabilis ang pagpasa nito sa plenaryo”.
Layon ng House Bill 1754 o ang monthly subsidy for indigent persons with disability na bigyan ng P1,000 buwanang ayuda ang mahihirap na PWDs sa bansa.
Para naman kay ACT CIS 2nd Cong. Jocelyn Tulfo, “si Benguet Cong. Eric Yap at si Cong. Ralph Tulfo ng QC 2nd district ay nangako na susuportahan ang nasabing panukala namin”.
“Pag walang kokontra sa panukalang ito, mabilis na magiging batas ito”, pahabol naman ni ACT-CIS 3rd Cong. Jeff Soriano.
Dagdag pa ni Soriano, “sisikapin po namin na next year magiging batas na ito para makatulong sa mga PWDs na mahihirap”.