ACT-CIS NAGBABALA SA GOV’T OFFICIAL NA TATANGGAP NG SUHOL

Rep Niña Taduran

ISANG opisyal ng kawanihan ng pamahalaan ang nadiskubreng tumatanggap umano ng suhol at nangungurakot sa gitna ng pagiging abala ng bansa sa paglaban sa Covid-19.

Ito ang ibinunyag ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran makaraang mapag-alaman na ang isang Deputy Commissioner ng isang ahensiya ng pamahalaan  ay tumatanggap diumano ng suhol kapalit ng pabor sa mga individual na may nilalakad sa kanyang tanggapan.

“Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa ay may nakakagawa pa ng ganitong krimen? Wala ba siyang konsensya?” tanong ni Taduran.

“I am not inclined to reveal his identity at the moment but let this serve as a stern warning to him that his actions will not be tolerated and I will see to it that his corrupt practices will be dealt with seriously,” babala ni Taduran.

Kasaluluyang kinakalap ng Asst. House Majority Leader ang mga ebidensiyang may kinalaman sa ulat ng pagtanggap ng suhol ng naturang opisyal.

Tiniyak ng mambabatas na agad siyang maghaharap ng House Resolution para ipatawag ang isang inquiry kaugnay ng diumano ay korapsyon na isinasagawa ng opisyal na ito para masampahan ng kaukulang kaso.

“Let me remind our government officials to always observe the highest level of honesty and decency in the performance of their duty. No form of corruption is too small,” pagtatapos ni Taduran.

Comments are closed.