ACT-CIS  PARTY-LIST TUMULONG SA SCHOLARSHIP NG NATIONAL PRESS CLUB

NATIONAL PRESS CLUB

NAGKALOOB ng pinansiyal na tulong ang ACT-CIS Party-list sa National Press Club of the Philippines para sa scholarship program ng samahan.

Personal na ipinagkaloob ni ACT-CIS Party-list Cong. Rowena Nina Taduran ang tseke na nagkakahalaga ng P125,000 kay NPC President Roland Gonzalo kasama ang mga kapwa opisyal.

“Ito po ay aking commitment, hindi lang pangako na taon-taon kong gagawin para matulungan ang ating samahan partikular sa mga mahihirap na anak ng media na tinutulu­ngan ng NPC,” saad ni Taduran.

Lubos namang nagpasalamat si Gonzalo at mga opisyal sa kusang loob na tulong ng kongresista na isa sa matagumpay na lifetime member ng samahan.

Aniya, noon pa man ay patuloy na tumutulong si Taduran bago pa man ito makaupo sa Kongreso na patuloy rin nagsusulong ng pagpapaangat ng kapakanan ng media sa pamamagitan ng kanyang panukalang House Bill 2476 o mas kilala bilang Media Workers Welfare Act.

“Sampu ng aking mga kasamahan sa press club, ako’y lubos na nagpapasalamat sa ating kasangga at tunay na boses ng media sa Kongreso,” wika ni Gonzalo BENEDICT ABAYGAR

Comments are closed.