ACT-CIS PARTYLIST NG TULFO BROTHERS UNA SA SWS SURVEY

ACT-CIS-2

NANGUNGUNA  na ang ACT-CIS partylist ng Tulfo brothers ayon sa pinaka-latest survey ng Social Weather Station (SWS).

Isinagawa  noong Abril 28 hanggang Mayo 3 ang SWS at number 1 na ang ACT-CIS partylist sa 134 na iba pang partylist.

Ayon sa Final Pre-election survey ng naturang survey group, pinili ng mas maraming respondents ang ACT-CIS kaysa sa ibang partylist.

Ang ACT-CIS ay nakakuha ng 8.20 percent voter preference sa 2,400 katao na sinurvey sa nasabing panahon.

Dahil sa pag-akyat ng ACT-CIS sa number one, laglag sa number two spot and dating nangunguna na Bayan Muna na nakakuha naman ng 5.83 points

Pumangatlo ang Ako Bicol na may 5.47 points, pang-apat ang Senior Citizens na nakakuha ng 3.60 puntos.

Narito naman ang resulta ng iba pang partylist na nakakuha rin ng mataas na ratings, CIBAC 3.08 points; Magsasaka 2.98 points; Ang Probinsiyano 2.98 points; TUCP 2.97; 1PACMAN 2.78; Gabrie­la 2.55 at Probinsiyano Ako 2.34 points.

Comments are closed.