ACT-CIS, PATULOY NA HAHATIRAN NG TULONG ANG MGA LGU SA NCR

PATULOY  na hahatiran ng ACT-CIS partylist ng mga bigas at delata ang iba pang lungsod sa Metro Manila ngayong lockdown.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, “so far, nahatiran na po natin ng mga bigas at delata ang Quezon City at Marikina at ilang mga parokya at TODA nitong nakaraang linggo.”

Target po ng grupo namin na hatiran ng pagkain ang iba pang mga lungsod sa NCR (National Capital Region) at tapusin ito this week,” dagdag pa ni Cong. Yap.

“Batid po namin na made-delay ang ayuda ng national government sa mga LGU kaya tumulong na po kami,” aniya.

Ayon pa kay Yap, bagamat batid niya hindi sasapat ang ayuda nila para sa mga constituent ng bawat lugar, dagdag lang ito para sa anumang ayuda na ibibigay ng LGU sa mga residente nila.

Nabatid na umaabot na sa 4,000 sako ng bigas at 500 kahon ng mga sardinas ang naipamahagi na ng ACT-CIS noong nakaraang linggo.

23 thoughts on “ACT-CIS, PATULOY NA HAHATIRAN NG TULONG ANG MGA LGU SA NCR”

  1. 900203 674667Top rated lad speeches and toasts, as effectively toasts. may possibly very effectively be supplied taken into consideration making at the party consequently required to be a bit more cheeky, humorous with instructive on top of this. best man speeches funny 633600

Comments are closed.