SA LAYUNIN na matulungan na magbagong-buhay ang mga menor de edad na nagkaroon ng sigalot sa batas, naghain ng panukalang-batas nitong Martes si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na nais magtatag ng pasilidad para sa kanila sa bawat probinsya.
Ayon sa kinatawan ng ACT-CIS party-list, na dati ring kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), walang sapat na pasilidad ang naturang ahensiya para sa mga menor de edad na lumabag sa batas.
“For years, since the passage of the juvenile justice system, we have simply overlooked the growing problems of our youngsters that are in conflict with the law. We do not have the facility o facilities to house these youths,” puna ni Tulfo.
Nakasaad sa inihaing House Bill No. 10276 o “An Act Establishing Additional Houses of Hope forChildren in Conflct with the Law” na bagaman ilang Bahay Pag-asa o “House of Hope” ang naitayo na sa buong bansa, kulang na kulang pa rin ang mga pasilidad o kanlungan ng mga batang nagkasala sa batas.
“It is imperative to establish additional Bahay Pag-asa to ensure the best interests of chilren in conflict with the law are met,” diin ng mambabatas.
Kasama ni Tulfo sa paghahain ng nasabing panukalang-batas ang kanyang nga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo; Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo.
Ang mga pasilidad ay pamamahalaan, patatakbuhin at pangangasiwaan ng DSWD at ng mga nakakasakop na local government units. JUNEX DORONIO