Act of Charity isasagawa ng Archdiocese of Manila ngayong Huwebes Santo

NAKATAKDANG  magsagawa ngayong Huwebes Santo ng malawakang ‘Act of Charity’ ang Archdiocese of Manila, upang isabuhay ang pagtutulungan lalo sa gitna ng krisis na pinagdadaanan ng bansa sa ngayon.

Kaugnay nito, nanawagan si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mga mananamplataya na magtulungan at magmalasakit sa kapwa sa kabila ng ating pinagdadaanang pandemya at muling pagsasailalim sa mahigpit na quarantine measures ng ilang mga siyudad at lalawigan.

Ayon kay Pabillo, marami ang nawalan ng trabaho at nangangailangan ng tulong kaya naman kumikilos na ang Simbahan para tulungan ang mga mahihirap.

Inihayag ng Obispo na inabisuhan na niya ang mga kaparian sa Archdiocese of Manila na magsagawa ng mga “act of charity” ngayong Huwebes Santo.

“Dito po sa Archdiocese of Manila gumawa kami ng sulat na lahat ng nakolekta ng mga Parokya ay pwuede nila gamitin para ibigay ng tulong sa mga mahihirap lalong-lalo na po sa Holy Thursday ang tawag po sa Holy Thursday ay Maundy Thursday ibig sabihin that’s day when the Lord gave his commandments to love and to love one another, kaya yan po ay araw ng charity kaya sinabi ko sa mga Parokya natin sa Archdiocese of Manila na sa araw na ito ay gamitin ang Alay Kapwa collection natin sa mga nakaraan at dagdagan pa kung meron pa gusto mag-donate upang mamigay pa tayo ng ayuda sa mga mahihirap sa loob ng ating mga Parokya,” anang obispo.

Naniniwala si Pabillo na dahil din sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at karatig lalawigan ay pinaka-naapektuhan ang mga umaasa sa arawang kita.

“Hindi na sila puwede lumabas ng mga bahay kaya ngayon dapat natin silang tulungan kaya dito sa Sto Niño de Tondo mamimigay na kami ng mga ayuda na identify na ‘yun mga mahihirap na pamilya saka dahan-dahan sa Thursday may mabibigay tayo sa kanila,” aniya pa.

Umapela rin ang Obispo sa mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na kumapit sa Poong Maykapal.

“Hindi naman nagpapabaya ang Diyos kaya dito nga mas lalo tayo kumapit sa kanya na hindi n’ya tayo pababayaan, nakikita natin ngayon parang ang dami natin problema pero balikan natin ang ating kasaysayan may mga panahon na parang ganito din ang nangyayari at ang mga tao nag-tiyaga at na-overcome naman natin, ma-overcome din natin ito hindi tayo pababayaan, kaya nga sa mga ganito ang Diyos ay nakakatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan natin… Let us looked at ourselves as instruments of God’s love for the people.”pahayag ng Obispo. Ana Rosario Hernandez

2 thoughts on “Act of Charity isasagawa ng Archdiocese of Manila ngayong Huwebes Santo”

  1. 165043 131203Have read a couple of of the articles on your internet site now, and I actually like your style of blogging. I added it to my favorites weblog web site list and will probably be checking back soon. 133519

  2. 270102 45705Soon after examine a couple of of the weblog posts on your internet website now, and I actually like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site record and will probably be checking back soon. Pls take a look at my web page as nicely and let me know what you feel. 217014

Comments are closed.