ACTION PLAN VS CLIMATE CHANGE HANGGANG 2028 INILANTAD

IPINAHAYAG  ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang action plan laban sa climate change na may support mechanisms ng ahensya na nabuo mula pa noong 2011 at kasalukuyang ipinatutupad at patuloy na isasagawa hanggang taong 2028.

Sa isang media release ay inihayag ang action plan ni Yulo -Loyzaga bilang official representative of the President sa Climate Change Commission (CCC) sa mga delegado sa isang forum sa Makati City. Ayon sa kanya, ang naturang action plan ng ahensya na tinaguriang National Adaptation Plan (NAP) at ang kaakibat nitong companion measure na Nationally Determined Contribution Implementation Plan (NDCIP), ay “in full swing” na sa pagtutulungan ng lahat upang maresolba ang suliranin ng bansa sa climate change.

Layuning ipatupad ang action plan ng local government units (LGUs) upang ang mga ito ay makaangkop sa mga hakbang na ito at maging resilient.

Ang Pilipinas ang isa sa 56 na bansa na nagsumite ng kanilang NAP sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Si Yulo- Loyzaga ang nagsilbing official representative ng pangulo ng Presidente sa UNFCCC. “The support being established with the development partners would be aligned with priorities in the climate action, “ang pahayag ni Yulo-Loyzaga.

Kabilang sa mga partikular na action plan for sa climate change ng DENR ay ang pagtiyak sa supply ng pagkain sa gitna ng iba’t ibang hamon na dulot ng climate change, sapat at malinis na suplay na tubig sa pamayanan, “ecological and environmental stability” na pangunahing nilalayon ang proteksyon ng ecosystem, ”human security” o tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga sakunang idudulot ng climate change, climate-friendly industries and services”na nagbibigay prayoridad sa paglikha ng mga green at eco-jobs at mga industriyang hindi nakakasira sa kalikasan subalit nagtitiyak ng produksyon ng mga pangangailangan ng mga mamamayan; at “sustainable energy” na nagbibigay prayoridad sa pagpapalawig ng energy efficient at conservation.

Base anya sa direksyon ng administrasyon ng Marcos kailangan na ang NAP at NDCIP ay maisakatuparan sa mga komunidad.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia