ACTION STAR MONSOUR DEL ROSARIO PALAG SA PANLALAIT NG KALABAN

PUMALAG ang dating action star/sports icon and now Makati Congressman na si Monsour del Rosariothe point kaugnay sa mga isyung ipinupukol sa kanya ng kalaban.

Iginiit kasi ng kanyang kalaban sa politika na wala raw siyang ginawa kundi asikasuhin ang kanyang pagta-Taekwando mula nang maupo siya bilang public servant sa lungsod  ng Makati.

Mariing pinabulaanan ito ng butihing kinatawan ng first district ng Makati  dahil for the record, marami siyang nagawa sa nasabing lungsod at  nakapagpasa siya ng humigit-kumulang na 51 batas sa loob  lamang ng kanyang termino bilang congressman ng nabanggit na distrito.

Kahit na ipinanganak sa prominenteng pamilya, maituturing na anak ng masa rin si Monsour dahil hindi biro ang pinagdaanan niyang hirap noong magpasya siyang mamalagi sa Estados Unidos.

Dala ng prinsipyo, naranasan niyang ma­ging newspaper boy at pumasok sa iba’t ibang odd jobs para lamang maitawid ang kanyang pang-araw-araw na buhay.

Naiintindihan niya ang pagiging “common” tao dahil tulad ng ordinaryong nilalang, na­ging kaisa siya sa mga pakikibaka ng mga taong dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay.

Noong bumalik siya ng bansa, saka siya nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa showbiz at sumikat.

Ilan sa naipasa niyang batas ang Telecommuting Act kung saan puwede nang nagtatrabaho sa kanilang mga bahay ay nabibigyan ng propesyunal na gabay para sa kanilang kaligtasan, oras at social security.

Sa kanyang termino rin naipatayo ang pangalawang Philippine Olympic Training Center na matatagpuan sa New Clark City na may world-class fa-cilities para sa ating mga atleta na nangangarap na maabot ang kanilang mga pangarap.

Siya rin ang isa sa mga nagsulong na i-extend ang validity ng passports mula lima hanggang sampung taon na ngayon ay napapakinabangan na ng ating mga OFW at mga mamamayan.

Isa rin siya rin sa mga sponsor ng free tertiary education at universal healthcare law na naglalayong tugunan ang pangangailangan at karapatan ng isang tao sa disenteng edukasyon at pangangalagang medikal.

Hindi rin niya ikinahihiya na sabihing  isa siyang Lola’s boy dahil malaking bahagi  ng kanyang pagkatao ay hinubog ng kanyang  mahal na lola.

Kaya naman, kasama sa plataporma niya ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo at serbisyo sa mga senior citizen. Layunin din niyang maglingkod nang walang imbot at buong katapatan na walang pinipiling serbisyuhan maging kaalyado man o kalaban.

Naniniwala kasi siyang ang tunay na serbisyo publiko ay walang pinipiling kulay o politika.

Nasa programa rin niya ang paigtingin pa ang educational, medical, livelihood and burial assistance sa Makatizens.

Si Monsour ay kumakandidatong Vice Mayor ng Makati sa May national elections sa ilalim ng PDP-Laban kung saan katiket niya ang dating Ma-kati mayor na si Junjun Binay.

KIKO MATOS NAPASABAK SA KISSING SCENE  KAY MARTIN

NAKAGAWA na ng gay roles si Kiko Matos in the past. Ito ay para sa Cine Filipino entry na “Straight From The Heart’ at sa “Edna” kung saan nagkaroon sila ng kissing scene ni Ronnie Lazaro.

Gayunpaman, kakaiba raw ang ginawa nilang torrid kissing at love scenes ni Martin del Rosario sa “Born Beautiful”.

“It’s more honest than daring. I mean, I believe that what has been asked of me, I delivered it with my best intention and  without any reservation. This is more honest than the previous movies that I’ve done. Mas buo iyong character ko rito at mas alam ko iyong gagawin ko rito. Sa palagay ko, this  is  one of my trophy projects,” paliwanag niya.

Comments are closed.