ACTOR-HOST ROBI DOMINGO MAY REALTY, EVENTS AT MILK TEA BUSINESS

MALIBAN sa kanyang successful career sa showbiz, involve si Robi Domingo sa entra eksenarealty, events at kilalang brand ng milk tea na Coco sa bansa. Kahit nagmula sa buena familia sa Nueva Ecija ay alam ng Kapamilya host-actor kung paano maging independent at kung saan niya ilalagay o i-invest ang kanyang pera.

“I’ve got an events company. It started out three years ago. Tapos ‘yung milk tea brand na na-franchise namin. Super sikat siya right now. And hope-fully, in the next ten years, mas sikat pa rin siya. It’s being run by my friend and my brother. So that’s a good business naman. And I am into buying units for leasing,” sabi pa nito sa isang interview sa kanya.

Bakit siya nag-decide na magtayo ng mga nabanggit na negosyo? Kasi iniisip ko kailangan mo i-diversify ‘yung mga baskets mo rin kasi, at least, in the future ang aim mo eh, is stability. When we think of stability, medyo frightening siya. Kasi ngayon we’ve got lots of work. Pero what if in the future  wala na? So kailangan we think ahead.”

Tama nga naman.

ILUSYUNADONG MALE TALENT SOPLA KAY DIREK REYNO OPOSA

MABAIT kung sa mabait ang film director na si Reyno Oposa. Kilala siyang sumusuporta sa mga baguhan na isinasama niya sa kanyang mga project.

Pero dahil tao lang ay hindi maiiwasang mapikon ang kaibigan naming director sa mga mayayabang na talent na pati background niya about filmmaking ay tinatanong.

Napakalinaw naman ng post niya na naghahanap siya ng male talent na magaling maglaro ng basketball at willing magpa-sexy para sa pet movie project niyang “Midnight Butterflies.”

Aba’y kung ano-ano na ang inuurirat ng ilusyunadong male talent at pati ‘yung talent fee ay maliit daw, kesyo  lumalabas na siya sa ABS-CBN at GMA. Oo naman, hindi masamang magtanong pero depende sa approach. Kaya sa inis ni Direk Reyno ay pinatulan niya ang nasabing ng talent.

Aminado rin pala ang nasabing director na hindi naging maganda ang pasok sa 2019 sa kanya kaya wish niya at dasal ay maging maganda ang pasok ng 2020 para sa kanyang career. Pero pinasalamatan nito ang kanyang mga nakatrabahong actors, co-directors at staff ng kanyang Ros Film Production.

ARELLANO CHIEF SQUAD GRAND CHAMPION SA EB 90s DANCE CONTEST

LAST January 11 sa grand finals ng EB 90s Dance Contest ay tinalo ng Arellano ChiefSquad, ang mga nakatunggaling Altas Perp  Squad (University of Perpetual Help System)- Sharksquad (Lyceum of Alabang)- Blue Thunder Pep Squad (Rizal Technological University)- San Beda Red Corps (San Beda University -Manila). Sobrang husay ng Arellano Chief Squad at ang ganda ng presentation nila kaya sila ang nag-standout sa judges para maging winner. Tumataginting na P100,000 cash at trophy ang naiuwi ng  panalong team at proud na proud sa kanila ang kanilang pamilya at university.

By the way, tulad ng ibang nag-champion sa throwback segment sa Eat Bulaga ay pasok na rin ang Arellano ChiefSquad sa Tatak Eat Bulaga Grand Showdown.