PINASAYA ng mga artista ang Alcala, Cagayan Valley na sakop ng Tuguegarao. Fiesta sa naturang lugar at naimbitahan ni Mayora Criselda Antonio ang mga naguguwapuhang aktor na nagsipaglaro ng basketball tulad nina Marco Alcaraz, JC Tiuseco, Aaron Villaflor, Joseph Bitangcol, at Mark Herras, kasama si ex-PBA player at MPBL player ngayon na si Garry David at si Olympic silver medalist Onyok Velasco.
Super accommodating ang mga artistang ito na kahit on going ang laro ay humihinto sila kapag may nais magpa-picture na fans sa kanila. Lalong dumagundong ang sigawan at tilian ng mga nanonood nang magsimulang magpatawa at gawing comedy ni Onyok ang laro.
Sa totoo lang, kahit isang boksingero si Onyok ay mahusay siyang basketball player, may shooting ang mama. Siya ang nagpalobo ng kalamangan sa kalaban na mga player ni coach Toto Dojillo mula sa De Ocampo College. Matitindi rin ang shooters at dunkers ng mga manlalaro ni coach Dojillo. Ayaw paawat, kahit dinadaan na ni Velasco sa comedy ang laro.
Ilang 3 points ang ginawa ni Onyok, habang si David ay ayaw paawat sa perimeter shot. Si Alcaraz na dating player ng San Sebastian College ay umarangkada rin, gayundin si Tiuseco. Si Bitangcol naman ay mabilis tumakbo, pati na si Villaflor na animo ay professional player kung gumalaw. Si Herras, ‘di mo aakalain na lalaro nang matindi. May depensa at opensa. Nakaka-inspire sila. Grupo ito ng mga artista na naglalaro talaga ng basketball na naiimbitahan sa iba’t ibang dako ng Filipinas. Mabentang-mabenta ang grupo nina Herras at Alcaraz. Sa katunayan ay kulang pa sila. Hindi nakasama sina Jordan Herrera, Jason Abalos at Matt Evans. Ayon sa kanila, kung kompleto sila ay mas makuwela pa ang kanilang pagpapatawa sa paglalaro ng basketball.
Anyway, nagpapasalamat ang grupo kay Mayor Antonio sa pag-imbita sa kanila. Mukhang sa tuwa ni mayora ay pababalikin sila sa Disyembre. Kaya bukod sa pag-arte sa harap ng camera, may bago silang ibinibigay na saya. Congrats and good luck!
Bagama’t nasibak sa medal race ang basketball team natin sa 18th Asian Games ay hindi nakahihiya dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para lumaban nang sabayan sa mga nakaharap nila tulad ng China at South Korea. Hindi masama ang kanilang kinalalagyan dahil sandali lang naman nabuo ang team ni coach Yeng Guiao. Mabuhay ang team Philippines!
Comments are closed.